Bigyang halaga ang mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 690 total reads

Pinangunahan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo-chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity (CBCP-ECL) ang misa para sa pandaigdigang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church.

Ayon kay Bishop Pabillo ang trabaho ay hindi dapat tingnan lamang bilang isang ‘economic activity’ kundi bigyang pagpapahalaga ang mga manggagawa na siyang susi ng pag-unlad ng ekonomiya ng bawat kompanya at ng bansa.

Dahil ang pagtatrabaho ay dangal ng bawat tao kaya’t hindi lamang mahalaga ang trabaho kundi ang pagkakaroon makatao at sapat na sahod sa kanilang paggawa.

“Bigyan dapat ng living wage, hindi lang sapat na sahod at kailangan din ng trabahong pangmatagalan- security of tenure. Kasi hindi tama ang ‘endo’, hindi tama na contractual lang. kailangan regular na trabaho at ‘yan ang malaking pagkukulang sa ating kalagayan. Ang mga manggagawang bukid natin ay walang security of tenure dahil marami sa kanila ang walang sariling lupa. Hindi napapatupad ang agrarian reform,” ayon sa pagninilay ni Bishop Pabillo.

Kasabay na rin ng pagdiriwang ng ‘Labor Day’ nilagdaan naman ng Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order na nagbabawal sa illegal contracting sa isang pulong na ginanap sa Cebu City.

Inamin naman ng pangulo na hindi sapat ang EO dahil kailangan na rin muling tingnan ng kongreso ang sinasabi niyang ‘outdated labor code’.

Sa simbahan, ipinagdiriwang din ang ‘Araw ng Paggawa’ na ang patron ay si ‘San Jose Mangggawa’ na siyang nagtaguyod kina Maria at Hesus.

“Ang paggawa ‘it creates human communities’ nagkakaisa sila. So’yan din ang tungkulin ng manggagawa na sikapin na maayos ang kanyang trabaho at pakikisama sa kaniyang kapwa manggagawa. At ang paglilingkod niya sa lipunan. Sana makita ng mga manggagawa ang kaniyang trabaho ay hindi lamang sa kaniyang sarili ay para rin sa lipunan,” ayon sa pagninilay ng obispo.

Pagdidiin ng obispo bawat manggagawa ay dapat ding makiisa sa pagtataguyod ng kabutihan ng iba pang manggagagawa na nakakaranas ng pang-aabuso at hindi patas na sahod.

Base sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2017, higit sa 60 porsiyento ng kabuuang populasyon nasa edad 15 pataas ay kabilang sa labor force ng Pilipinas o 43.7 milyong katao.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 54,426 total reads

 54,426 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 178,564 total reads

 178,564 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 263,932 total reads

 263,932 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 310,673 total reads

 310,673 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 358,539 total reads

 358,539 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 453,830 total reads

 453,830 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 54,427 total reads

 54,427 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »
Scroll to Top