May mas mahalaga kaysa sa Cha-cha at pederalismo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 464 total reads

Mga Kapanalig, ikinabahala marahil ng mga nagtutulak ng pederalismo ang resulta ng pinakahuling survey ng Pulse Asia kung saan tinanong ang mga respondents tungkol sa pagpapalit ng ating sistema ng pamahalaan at pagbabago ng ating Konstitusyon.

Sa naturang survey na ginawa noong huling bahagi ng Marso, lumitaw na 66% o halos 7 sa bawat 10 Pilipino ang tutol na gawing pederal ang sistema ng ating pamahalaan, kung saan hahatiin ang bansa sa iba’t ibang estado na may kani-kaniyang patakaran at may limitadong kontrol ang pambansang pamahalaan. Anuman ang katayuan ng pamumuhay ng mga respondents, mas marami ang hindi pabor na palitan ang kasalukuyang sistema sa ngayon. Mas marami—36%—ang mga nagsabing hindi dapat kailanman palitan ang sistema ng ating pamahalaan kaysa sa mga nagsabing bukás sila sa ganitong pagbabago ngunit hindi sa ngayon—mga 30%. Mas dumami rin ang mga hindi payag na amyendahan ang Saligang Batas ng 1987—mula 44% noong 2016, umakyat ito sa 64% ngayong 2018. Gayunman, marami pa rin sa ating mga Pilipino ang kulang o walang kaalaman tungkol sa nilalaman ng Konstitusyon.

Ano ang ipinahihiwatig ng survey results na ito ng Pulse Asia?

Para sa administrasyon, salamin daw ito na kulang pa ang kanilang ginagawa upang ipaalam sa mga Pilipino ang mga benepisyo at positibong bunga ng pederalismo. Ito ay sa kabila ng malaking ginagastos ng DILG para sa mga pa-meeting sa mga barangay kung saan, ayon sa ating mga naririnig, puro lamang magagandang bagay tungkol sa pederalismo ang ipinaliliwanag.

Para naman sa mga grupong tumututol sa pederalismo at Charter change, ipinakikita ng resulta ng survey na nalilinawan na ang mga mamamayan tungkol sa maitim na adyenda ng mga nagtutulak ng pederalismo at ng pagpapalit ng Konstitusyon.

Hindi kaya, mga Kapanalig, ipinakikita rin ng survey results na may ibang mas mahalagang isyu at pangangailangan ang bayan na dapat bigyan ng pansin ng ating pamahalaan?

Sa mas naunang survey na ginawa ng Pulse Asia, hindi concern o alalahanin ng mga Pilipino ang pagbabago ng ating Saligang Batas. Nasa dulo ito ng listahan ng mga kagyat o urgent na national concerns ng mga Pilipino. Nangunguna sa listahan ang mga ‘ika nga’y “malapit sa sikmura” ng mga Pilipino: pagtataas sa sahod ng mga manggagawa, pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin o inflation, at pagkakaroon ng maraming trabaho. Tiyak na matutugunan natin ang mga ito kahit hindi natin baguhin ang ating Konstitusyon o ang sistema ng ating pamahalaan.

Walang pinapaborang iisang sistema ng pamahalaan ang Simbahan, ngunit sa kasalukuyan nating kalagayan—kung saan marami ang hindi pinapasahod nang sapat, marami ang umaaaray sa nagtatataasang presyo ng bilihin, at marami ang walang disenteng hanapbuhay—kikiling ang Simbahan sa mga nananawagan sa pamahalaang unahin ang kapakanan ng mga mamamayan, lalo na ng mahihirap.

Sabi nga sa Catholic social teaching na Mater et Magistra ni St John XXIII, ang kagalingan ng lahat (o common good) ang nagbibigay-katwiran sa lahat ng hakbang ng pamahalaan. Ang kapangyarihang nasa kamay ng mga taong pinagkatiwalaan nating pangasiwaan ang pamahalaan ay dapat na ginagamit sa pagsusulong, hindi ng kanilang interes, kundi ng interes ng mga mamamayan—gaya ng pagtiyak na patas ang mga negosyante sa kanilang mga manggagawa, ng pagpapanatiling abot-kaya ang halaga ng mga pangunahing bilihin, at ng pagpapaunlad ng ekonomiya upang dumami ang trabaho.

Mga Kapanalig, tiyak naman tayong ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng magagawa nito upang matugunan ang mga prayoridad ng mga Pilipino, ngunit marami pa itong magagawa gamit ang pondo at panahong inilalaan sa mga bagay na hindi naman nakapagbibigay ng trabaho at hindi naman napapakain ang mga nagugutom.
Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,284 total reads

 55,284 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,657 total reads

 134,657 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,102 total reads

 168,102 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,400 total reads

 203,400 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,704 total reads

 427,704 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 55,285 total reads

 55,285 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,658 total reads

 134,658 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,103 total reads

 168,103 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,401 total reads

 203,401 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top