Sumpain ang mga mamamatay tao, Mga sumusuporta sa pagpatay at mga nagmamasid sa pagpatay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 583 total reads

Ito ang ‘Orakulo ng Propeta Laban sa mga Mamamatay-tao’ na binasa ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa Homiliya sa San Roque Cathedral kasabay na rin ng paggunita ng kamatayan ng 17-taong gulang na si Kian Lloyd Delos Santos-na pinatay ng pulis Caloocan dahil sa bintang na pagbebenta ng ilegal na droga Agosto ng nakalipas na taon.

Ayon sa Obispo, ito ang magiging orakulo ng mga sinaunang propeta sa Lumang Tipan sa nagaganap na karahasan sa Pilipinas- ang pagpaslang sa mga hinihinalang lulong sa ipinagbabawal na gamot nang walang pananagutan sa batas.

Nakapaloob din sa binasang Orakulo ni Bishop David ang mga nagpapakilalang ‘Kristiyano’ subalit walang pagpapahalaga sa buhay ng kapwa maging ang paglapastangan sa Panginoon.

“Dumanas nawa kayo ng kasawian, kayong mga tumatawag na “Kristiyano” sa sarili ngunit wala mang lamang ni katiting na pagpapahalaga sa buhay ng mga biktima ng pagpatay, o kahit sa mga paring pinapapatay. Nagagawa pa ninyong makatawa kahit niyuyurakan na ang inyong pananampalataya at tinatawag na tanga ang Diyos! Kayong mga bulag na hibang! Nagsisimba pa mandin kayo para makinig sa Salita ng Diyos; pumipila sa Komunyon para matanggap ang Kordero ng Diyos na namatay para sa mga makasalanan, ngunit hinahayaan ni’yo namang mapatay ang mga pinag-alayan Niya ng buhay!”

Read: Orakulo ng Propeta Laban sa mga Mamamatay-tao /A PROPHETIC ORACLE AGAINST MURDERERS

Pinasinayaan din ni Bishop David, kasama si Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez ang ‘Black Stone Marker’ sa harapan ng San Roque Cathedral, bilang paggunita sa napaslang na si Delos Santos at mga biktimang napaslang dahil sa ‘Drug War Campaign’ ng Gobyerno.

Tinatayang higit na sa 20 libo ang bilang ng mga napaslang dahil sa kampanya kontra droga na una ring kinokondena ng Simbahan.

Sa halip na pagpaslang, nagpasimula ang iba’t ibang Simbahan sa bansa ng community based drug rehabilitation kabilang na ang ‘Salubong’ ng Diocese ng Caloocan kung saan may 300 ng drug surrenderers ang nakapagtapos sa programa.

Ilan pa sa mga drug rehabilitation program ng simbahan ang SUGO at Labang ng Archdiocese ng Cebu; Sanlakbay ng Archdiocese of Manila; HOPE center ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija; at ang 27 taon ng Galilee Homes ng Diocese ng Malolos na nagbibigay ng programa para sa lulong sa bisyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 114,330 total reads

 114,330 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 208,357 total reads

 208,357 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 252,626 total reads

 252,626 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 275,735 total reads

 275,735 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 345,591 total reads

 345,591 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top