Obispo, aminadong malaking populasyon ng mga Katoliko ang hindi naaabot ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 508 total reads

Malaking populasyon ng mga Katoliko ang hindi naabot ng Simbahan lalu na sa mga ‘slum area’ sa Metro Manila.

Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Vice-President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, ito ang dahilan ng kaniyang pagtatayo ng mga ‘mission station’ sa diyosesis upang mailapit ang Panginoon sa mga katoliko.

“Ang ‘mission station is an effort’ sa bahagi ng simbahan to be present among the poorest of the poor. So Church presence among the poor iyan ang main objective ng mission stations namin. Hindi na kailangang hintayin na ang mga dukha na sila ang pumasok sa simbahan kundi ang simbahan ang pupunta sa mga dukha. Kahit walang simbahan, kahit walang kapilya,” ayon kay Bishop David sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang lugar kasama ang mga religious partner at mga layko upang maiparamdam sa mananamapalataya ang kalinga ng simbahan sa kabila ng walang istraktura ng parokya sa lugar kundi pagkakaroon ng basic ecclesial community o cluster.

Sinabi ng Obispo na bukod sa pagbabahaginan ng salita ng Panginoon ay dito rin magsisimula ang pagmamalasakitan sa kapwa bilang isang komunidad.

Paliwanag pa ng Obispo, ang diyosesis ay binubuo ng 150 libong mga katoliko na mayroon lamang 26 na mga parokya na hindi makakatugon sa pangangailangan ng mga mananampalataya.

“Sabi ni Pope Francis kapag tumatanda ang isang institusyon may tendency sila na maging inward looking, maging self referential. Na para bang ang daigdig umiikot lang sa ‘yo. You speak a common language na kayo lang ang nagkakaintindinan and then the rest of the world out there is left out. Hindi umuunlad,” paliwanag ni Bishop David.

Iginiit ng Obispo na mahalagang ang simbahan ang lumapit sa mga dukha nang walang mga mananampalataya na maiwan o naisasantabi hindi lang sa pangangailangang espiritwal kundi sa iba pang pangangailangan sa araw-araw.

Bukod sa mga parokya, quasi parish at mga chapels, mayroon na ring 10 mission stations na kinabibilangan ng San Rafael mission station, Senora Delos Remedios, Our Lady of Peace chapel, Salmon chapel, Missionary Sisters of the Precious Blood, Tahanan Puso, Our lady of Sacred Heart ang napasimulan ni Bishop David sa diyosesis ng Caloocan simula nang mailuklok bilang obispo noong 2015 na kahalili ni Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez. Catmon Missions Station, Tinejeros and Pitong Gatang

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 128,426 total reads

 128,426 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 265,300 total reads

 265,300 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 381,075 total reads

 381,075 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 496,221 total reads

 496,221 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top