Simbahan, nagpaabot ng pakikiramay at panalangin sa pamilya ng 7 kabataang nasawi sa Sulu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 368 total reads

Nagpaabot ng pakikiramay ang Kura Paroko ng Jolo Cathedral sa pamilya ng 7 kabataang Tausug na nasawi sa gitna ng labanan ng mga militar at ng Abu Sayyaf Group sa Barangay Bakong, Patikul, Sulu.

Ayon kay Rev. Fr. Jefferson C. Nadua, OMI – Parish Priest ng Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu, nakalulungkot ang sinapit ng 7 kabataan mula sa patuloy na kaguluhan sa lalawigan.

Tiniyak ni Father Nadua ang pag-alay ng Simbahan ng panalangin para makamit ng mga kabataan at kanilang pamilya ang katarungan at katotohanan.

Sa kasalukuyan, patuloy na inaalam ang pagkakilanlan sa 7-kabataan na napatay sa engkuwentro.

“Nakakalungkot pero nakikiramay tayo doon sa mga kabataan lalo na sa murang edad pa yung mga yun and we’ll do our part dun sa pag-attend nung justice para sa kanila kung talagang inosente naman din sila…” pahayag ni Rev. Fr. Nadua, OMI sa panayam sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ng Pari ang paninindigan ng
Western Mindanao Command at ng Joint Task Force Sulu na lehitimo ang isinagawang operasyon ng militar sa lugar at pawang mga miyembro ng Abu Sayyaf ang 7 Tausug na nasawi.

“Sa official report kasi ng Western Mindanao Command saka nagtanong na din ako sa Joint Task Force, Legit Military Operations kasi yun na confirmed Abu Sayyaf members yung mga yun. Yun yung so far report pero may nagki-claim na mistaken identity, na namimitas ng prutas pero may encounter na kasi so yun yung sabi ng military, ‘may encounter paano sila mamimitas ng prutas’ saka legit Military Operations kasi yun…”paliwanag ni Rev. Fr. Nadua

Batay sa opisyal na tala ng Joint Task Force Sulu, bukod sa 7 nasawi ay 6 na miyembro pa ng Abu Sayyaf Group ang nasugatan sa engkwentro kabilang na si ASG Senior Leader Hatib Hajan Sawadjaan habang 17 sundalo rin ang nasugatan mula sa labanan.

Nilinaw naman ni Fr. Nadua ang kailanman ay walang kinikilingan ang Simbahan at tanging ang pagkakaroon lamang ng kapayapaan at pagkakaisa ang patuloy na panalangin at panawagan para sa buong Mindanao.

“Neutral po tayo, for peace…” Paglilinaw ni Nadua.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 161 total reads

 161 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 24,155 total reads

 24,155 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 9,016 total reads

 9,016 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 49,576 total reads

 49,576 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 77,068 total reads

 77,068 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 125,333 total reads

 125,333 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 147,067 total reads

 147,067 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga Pari, mensahero ni kristo

 163 total reads

 163 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 24,157 total reads

 24,157 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 24,341 total reads

 24,341 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top