Cardinal Tagle, pinasasalamatan ng Jesuit Communication sa tagumpay ng Word Exposed

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 585 total reads

Nagpahayag ng pasasalamat ang Jesuit Communications Foundation sa patuloy na pagsuporta at pagsubabay ng mga mananampalataya sa The Word Exposed sa loob ng 10-taon.

Ayon kay JesCom Executive Director Rev. Fr. Nono Alfonso SJ., maituturing na isang milagro na biyaya ng Panginoon ang pag-abot ng 10-taon ng programa na layuning ring makapaghatid ng biyaya sa bawat isa sa pamamagitan ng pagbabahagi Salita ng Diyos.

“For The Word Exposed to have reach 10 years it is truly a miracle, the work of God. Indeed 10 years of blessings that is what The Word Exposed is to many of us…” pahayag ni Fr. Alfonso

Ibinahagi rin ng Pari na eksaktong 10-taon na ang nakakalipas noong December 2, 2008 ng unang naisahimpapawid at napanuod sa national television ang unang episode ng The Word Exposed na naglalayong maibahagi at mas maipalapit ang Salita ng Diyos sa mga mananamapalataya.

Dahil dito, nagpaabot ng lubos na pasasalamat si Fr. Alfonso sa patuloy na pagtangkilik at pagsuporta sa programa na ngayon ay hindi na lamang sa Pilipinas nagbabahagi ng Salita ng Diyos kundi maging sa iba’t ibang bansa partikular na sa Estados Unidos, Canada at Autralia.

“On December 2, 2008, today is December 2, 2018 the first ever The Word Exposed was premiered on national television and the rest as they say is history blessed history, after 10 years with the show now syndicated in cable tv stations in the USA, Canada and Australia and all over the globe via youtube The Word Exposed is still on the air still spreading the Word of God and for this great blessing we want to thank all of you, you have kept it alive…” Pagbabahagi ni Fr. Alfonso SJ.

Samantala, nagpahayag rin ng pasasalamat ang Pari sa Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa buong suporta at dedikasyon nito sa pakikibahagi sa layunin ng The Word Exposed na sa kabila ng pagiging abala ay hindi isinantabi at binitawan ang programa.

Pagbabahagi ni Fr. Alfonso, malaki ang papel na ginagampanan ni Cardinal Tagle sa 10-taong tagumpay ng The Word Exposed na mula sa simula ay nagsilbing mukha at boses ng misyon ng Jesuit Communications Foundation upang mas epektibong maipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Kaugnay nito, tampok sa isang oras na programa ng The Word Exposed ang mga pananaw at pagninilay ng Kanyang Kabunyian Cardinal Tagle patungkol sa una at ikalawang pagbasa para sa Sunday Gospel sa isang simple, makabuluhan at madaling maisabuhay na pamamaraan.

“And of course thanks especially, greatly to the host of the show because despite his assignments, works, missions it was in the middle of the 10 years that he was appointed Archbishop of Manila and Cardinal of the Philippines sabi namin ‘naku baka hindi na matuloy ang The Word Exposed’ but the Cardinal thanks to him he has not gotten tired of exposing the Word of God and so we thank you Cardinal Luis Antonio Cardinal Tagle maraming, maraming salamat po…” Dagdag pa ni Rev. Fr. Nono Alfonso SJ.

Batay sa tala ng Jesuit Communications Foundation, sa loob ng 10-taon ay umaabot na sa 42 Seasons at 540 Episodes ang nagawa ng The Word Exposed na naglalayon pang mahigitan pa ito upang mas maipalaganap ang Salita ng Diyos.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 23,631 total reads

 23,631 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 8,151 total reads

 8,151 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 48,712 total reads

 48,712 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 76,244 total reads

 76,244 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 124,509 total reads

 124,509 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 146,282 total reads

 146,282 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 23,634 total reads

 23,634 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 24,208 total reads

 24,208 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top