Mga kabataan, K ng simbahan at lipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,019 total reads

Inihayag ng isang opisyal ng Simbahang Katolika na mahalaga ang sektor ng mga kabataan sa lipunang ginagalawan.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ng CBCP, dapat alalahanin ng mga kabataan lalo na ang mga anak ng Overseas Filipino Workers na sila ang inspirasyon ng bawat OFW na magulang sa pagsusumikap sa ibayong dagat.

“We greet our youth especially the sons and daughters of our OFWs. Please remember mayroon kayong K, that is: Kabataan, kayo ang kaligayahan ng inyong mga magulang. Kabataan, kayo kayamanan ng inyong magulang. At kabataan, kayo ang kalakasan ng inyong mga magulang,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ang mensahe ng Obispo ay kaugnay sa pagbubukas ng Taon ng mga Kabataan sa Simbahang Katolika sa Pilipinas na pormal inilunsad noong ika – 2 ng Disyembre na ginanap sa Bataan People’s Center.

Ibinahagi ni Bishop Santos na sa pagpupulong sa Roma hinggil sa sektor ng mga migrante, ipinagmalaki ng Obispo na ang mga anak ng OFW sa Pilipinas ay maaasahan at ginagamit sa wastong pamamaraan ang perang pinaghihirapan ng kanilang mahal sa buhay sa ibang bansa.

“Hindi sila pasaway at problema bagkus sila ay naglilingkod sa Simbahan at mga kabataang nakikibahagi sa Parokya at ang kanilang panahon ay ginugugol sa mga magagandang gawain sa Simbahan,” ani ni Bishop Santos.

Ipinaliwanag ng Obispo na nagsusumikap sa pag-aaral ang mga kabataan upang ipakita sa mga magulang na O-F-W na may pinatutunguhan ang bawat sentimong kanilang kinikita sa paghahanapbuhay.

Kasabay ng paglunsad ng Year of the Youth binabati at nakiisa ang CBCP-ECMI sa lahat ng mga kabataan sa Pilipinas sa pagdiriwang ng kanilang taon bilang paghahanda sa ika – 500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Hamon ni Bishop Santos sa kabataan na gamitin itong pagkakataon upang ipamalas ang kanilang talento at kasanayan sa paglilingkod sa Panginoon at pakikibahagi sa misyon ng Simbahan na lingapin ang mga tumatamlay ang pananampalataya.

Sa tala, mula sa higit 80 milyong katoliko sa buong Pilipinas ay 20-porsiyento rito ang bilang ng mga kabataan na nasa edad 15 hanggang 24.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 22,486 total reads

 22,486 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 106,830 total reads

 106,830 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 201,161 total reads

 201,161 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 262,847 total reads

 262,847 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 307,476 total reads

 307,476 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top