Ang pagdagsa ng mga manggagawang Tsino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 564 total views

Mga Kapanalig, ikinabahala ng ilang senador ang kapansin-pansing pagdami ng mga Tsino sa ating bansa, partikular na rito sa Metro Manila, na lumalabas na mga ilegal na manggagawa pala. Kaya naman, nagpatawag ang Senado ng isang pagdinig noong nakaraang linggo upang alamin kung gaano ito katotoo.

At mismong ang Department of Labor and Employment o DOLE ang nagkumpirmang dumarami nga ang mga manggagawang Tsino sa Pilipinas. Karamihan sa kanila ay nagpupunta rito bilang mga turista at saka maghahanap ng trabaho (katulad ng ginagawa ng ilan nating kababayang nagbabakasakali sa ibang bansa). Halos kalahati sa mahigit 100,000 dayuhang nabigyan ng DOLE ng Alien Employment Permits mula 2015 hanggang 2017 ay mga Chinese nationals.

Hindi naman ipinagbabawal ng ating mga batas ang paghahanapbuhay rito ng mga dayuhan basta’t dumaan sila sa tamang proseso. Higit sa lahat, hindi dapat nila naaagawan ng trabaho ang mga manggagawang Pilipino. Sa ilalim ng ating Labor Code, mabibigyan ng permit ang mga dayuhan kung walang Pilipinong interesado o may sapat na kakayahan upang gawin ang isang trabaho. Kapag mayroon nang permit ang isang dayuhan mula sa DOLE, kukuha siya ng working visa mula sa Bureau of Immigration at Department of Justice. Ngunit, sa isinagawang pagdinig sa Senado, napag-alamang nagbibigay ang Bureau of Immigration ng special working permit kahit walang permit ang isang dayuhan mula sa DOLE. Kailangan din itong ungkatin ng Senado.

Karamihan sa mga nabigyan ng special working permits ay nagtatrabaho bilang mga POGOs o Philippine Offshore Gaming Operators. Sila ang nagpapatakbo ng e-gaming o foreign online casino o pagsusugal gamit ang internet, at mga mayayamang Tsino rin ang mga kliyente nila. Dahil sa paglago ng negosyong ito, marami sa mga Tsinong operators ang nagdadala rito ng mga kababayan nila upang gawing empleyado. Kabilang sila sa 119,000 na dayuhang nabigyan ng special working permits ng Bureau of Immigration.

Hindi ba kaya ng mga Pilipino ang kanilang ginagawa? Wala bang Pilipinong interesado sa trabahong ito? Sa tinatayang 9.8 milyong Pilipinong walang trabaho, tiyak na mayroon sa kanilang maaari at interesadong magtrabaho.

Ang paghahanapbuhay ng mga tao sa ibang bayan—gaya ng ginagawa ng ating mga OFWs at ngayon nga ay ng mga Tsino rito sa atin—ay bahagi ng modernong globalisasyon, ang proseso ng pag-uugnayan ng mga tao, mga negosyo, mga pamahalaan, at halos lahat ng aspeto ng buhay natin dala na rin ng makabagong teknolohiya. Sa aspeto ng paghahanapbuhay, halimbawa, mas madali na para sa mga tao ang mangibang-bayan, bagamat nariyan pa rin ang mga regulasyong ipinapataw ng mga bansang pupuntahan nila.

Ngunit paalala nga sa mga panlipunang turo ng Simbahan, dapat nating bantayan na hindi masisira ng negatibong aspeto ng globalisasyon ang dangal ng paggawa at ang katotohanang magkakasama tayong mga tao—saang bansa man tayo nagmumula—sa iisang misyon sa mundong ito. Sa isang banda, dapat tiyaking makatao ang trato sa mga manggagawang dayuhan, gaya ng lagi nating panawagan sa mga bansang may mga OFWs. Sa kabilang banda, hindi dapat makapaminsala sa kabuhayan ng mga manggagawa ng isang bansa ang pagpasok ng mga dayuhang manggagawa.

Mga Kapanalig, hindi sana masentro ang usaping ito sa pagkamuhi nating mga Pilipino sa mga Tsinong manggagawa. Sa halip na ikahon agad ang isyu bilang mistulang “pananakop” ng ibang bansa gaya ng pinalulutang ng ilan, dapat nakatuon ang imbestigasyon ng Senado sa pag-alam kung bakit mukhang napakadali sa mga dayuhan ang kumuha ng permit upang makapagtrabaho rito. Bakit nakalulusot ang mga ilegal na dayuhang manggagawa? Anu-ano ang dapat gawin upang matiyak na nabibigyan ng pantay na pagkakataon ang mga Pilipino at dayuhan na magkaroon ng trabaho sa ating bansa? Ang mga ito sana ang tutukan ng ating mga senador.

Sumainyo ang katotohanan.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 3,813 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 20,162 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 43,054 total views

 43,054 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 115,706 total views

 115,706 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 146,988 total views

 146,988 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 179,004 total views

 179,004 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 329,084 total views

 329,084 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONFIDENTIAL FUND

 43,055 total views

 43,055 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 115,707 total views

 115,707 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 146,989 total views

 146,989 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 179,005 total views

 179,005 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »
Scroll to Top