Cardinal Tagle, pinasasalamatan ng Jesuit Communication sa tagumpay ng Word Exposed

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 588 total reads

Nagpahayag ng pasasalamat ang Jesuit Communications Foundation sa patuloy na pagsuporta at pagsubabay ng mga mananampalataya sa The Word Exposed sa loob ng 10-taon.

Ayon kay JesCom Executive Director Rev. Fr. Nono Alfonso SJ., maituturing na isang milagro na biyaya ng Panginoon ang pag-abot ng 10-taon ng programa na layuning ring makapaghatid ng biyaya sa bawat isa sa pamamagitan ng pagbabahagi Salita ng Diyos.

“For The Word Exposed to have reach 10 years it is truly a miracle, the work of God. Indeed 10 years of blessings that is what The Word Exposed is to many of us…” pahayag ni Fr. Alfonso

Ibinahagi rin ng Pari na eksaktong 10-taon na ang nakakalipas noong December 2, 2008 ng unang naisahimpapawid at napanuod sa national television ang unang episode ng The Word Exposed na naglalayong maibahagi at mas maipalapit ang Salita ng Diyos sa mga mananamapalataya.

Dahil dito, nagpaabot ng lubos na pasasalamat si Fr. Alfonso sa patuloy na pagtangkilik at pagsuporta sa programa na ngayon ay hindi na lamang sa Pilipinas nagbabahagi ng Salita ng Diyos kundi maging sa iba’t ibang bansa partikular na sa Estados Unidos, Canada at Autralia.

“On December 2, 2008, today is December 2, 2018 the first ever The Word Exposed was premiered on national television and the rest as they say is history blessed history, after 10 years with the show now syndicated in cable tv stations in the USA, Canada and Australia and all over the globe via youtube The Word Exposed is still on the air still spreading the Word of God and for this great blessing we want to thank all of you, you have kept it alive…” Pagbabahagi ni Fr. Alfonso SJ.

Samantala, nagpahayag rin ng pasasalamat ang Pari sa Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa buong suporta at dedikasyon nito sa pakikibahagi sa layunin ng The Word Exposed na sa kabila ng pagiging abala ay hindi isinantabi at binitawan ang programa.

Pagbabahagi ni Fr. Alfonso, malaki ang papel na ginagampanan ni Cardinal Tagle sa 10-taong tagumpay ng The Word Exposed na mula sa simula ay nagsilbing mukha at boses ng misyon ng Jesuit Communications Foundation upang mas epektibong maipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Kaugnay nito, tampok sa isang oras na programa ng The Word Exposed ang mga pananaw at pagninilay ng Kanyang Kabunyian Cardinal Tagle patungkol sa una at ikalawang pagbasa para sa Sunday Gospel sa isang simple, makabuluhan at madaling maisabuhay na pamamaraan.

“And of course thanks especially, greatly to the host of the show because despite his assignments, works, missions it was in the middle of the 10 years that he was appointed Archbishop of Manila and Cardinal of the Philippines sabi namin ‘naku baka hindi na matuloy ang The Word Exposed’ but the Cardinal thanks to him he has not gotten tired of exposing the Word of God and so we thank you Cardinal Luis Antonio Cardinal Tagle maraming, maraming salamat po…” Dagdag pa ni Rev. Fr. Nono Alfonso SJ.

Batay sa tala ng Jesuit Communications Foundation, sa loob ng 10-taon ay umaabot na sa 42 Seasons at 540 Episodes ang nagawa ng The Word Exposed na naglalayon pang mahigitan pa ito upang mas maipalaganap ang Salita ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 78,771 total reads

 78,771 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 173,410 total reads

 173,410 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 217,678 total reads

 217,678 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 240,787 total reads

 240,787 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 312,357 total reads

 312,357 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top