Hubugin ang mga kabataan sa respeto at hindi takot

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 701 total reads

Ang paghubog ng mabuting asal sa mga kabataan ay dapat na magsimula sa mga magulang at sa mga nakakatanda.

Iginiit ito ni Diocese of San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, Chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Clergy sa usapin ng pagdidisiplina sa mga kabataang Filipino.

Inihayag ni Save the Children Advocacy Officer Reylynne De La Paz na ito ang layunin ng isinusulong na Positive Discipline Bill o ang tinatawag na Anti-Palo Bill.

Ayon kay dela Paz, isinusulong ng panukala ang pagkakaroon ng ganap na respeto ng mga kabataan sa halip na pagkakaroon ng takot sa mga magulang at sa otoridad.

Paliwanag ni dela Paz na ang pagsunod ng mga bata dahil sa pamamalo ay dahil sa takot at ng survival mode mula sa sakit na dulot ng palo.

Sinabi ng grupo na hindi tunay na maipapaliwanag ng mga magulang sa mga bata ang pagkakamali sa pamamagitan ng palo.

“Sa positive discipline ang ini-emphasize natin ay yung respeto kesa takot kasi.Kapag may takot yung bata minsan dala niya yan hanggang sa paglaki niya…” pahayag ni dela Paz sa Radyo Veritas.

Saklaw ng panukalang House Bill 8239 o kilala bilang “Positive and Non-Violent Discipline of Children Act” ang pagbabawal sa marahas na pagpaparusa sa mga bata.

Ang naturang panukala ay hindi lamang nakatutok sa paraan ng pagdidisiplina ng mga magulang sa loob ng tahanan kundi maging sa mga paaralan at iba pang institusyon na mayroong mga menor-de-edad.

Nakapaloob rin sa panukala na ang sinumang lalabag at mapapatunayang marahas na nagparusa sa mga bata ay dapat na sumailalim sa seminar tungkol sa children’s rights, positibong paraan ng pagdidisiplina, anger management, counseling at therapy.

Iginigiit ng Kanyang Kabanalan Francisco na malaki ang gampanin ng mga magulang at maging ng mga guro sa paghubog ng pagkatao ng mga kabataan.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 967 total reads

 967 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 10,291 total reads

 10,291 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 50,851 total reads

 50,851 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 78,296 total reads

 78,296 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 126,561 total reads

 126,561 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 148,234 total reads

 148,234 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga Pari, mensahero ni kristo

 968 total reads

 968 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 24,492 total reads

 24,492 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 24,541 total reads

 24,541 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top