Pag-atake ng Pangulong Duterte laban sa simbahan, malaking hamon sa mga lingkod ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 577 total reads

Malaking hamon sa pagtatapos ng Taon ng mga Pari at Relihiyoso ang mga pambabatikos na nararanasan ng Simbahang Katolika.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Simbahan ng kawalang habag na pang-aatake lalo na’t ito’y nagmula sa pinakamataas na opisyal ng bansa.

“This is indeed a very challenging year end for the clergy, for the Church. The Philippine Church has never been under a blatant, cruel attack such as this,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng Obispo na ang nagdaang taon ng mga pastol ng Simbahan sa Pilipinas ay nagpapatibay at patuloy nagpapakita ng sigasig sa paglilingkod sa Diyos at sambayanan sa kabila ng mga batikos sa kanilang hanay.

“The priests have proven their worth have shown their commitment to God and compassion to their flock. That year of the clergy will be known for the courage, for their self-sacrifice; in contrast to this administration which is now being known as ‘kill, kill, kill,’ aside from fake news, abusive and offensive words they and he spread and utter,” dagdag ng Obispo.

Ang pahayag ni Bishop Santos, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ay kaugnay na rin sa sunod-sunod na pambabatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pananampalatayang Katoliko at sa mga lingkod ng Simbahan.

Una ng tinawag ng pangulo na istupido ang Panginoon, ang alegasyon laban kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na sangkot sa katiwalian at sa iligal na droga, ang paghimok sa mamamayan na huwag dumalo sa mga Misa, ang pahayag na patayin ang mga Obispo na pumupuna sa kanyang pamamalakad, at pagbatikos sa mga manunulat sa bibliya.

Ayon kay Bishop Santos darating ang panahon na mananagot ang Pangulo sa kawalang paggalang sa Panginoon at sa kapwa tao.

“There will be a time of reckoning. The Lord Himself said ‘vengeance is mine, I will repay’ (Romans 12, 19). His wrath against ungodliness and unrighteousness is most certain. God cannot and must not be mocked. “

Bukod dito ay nanindigan din ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na dapat magkaisa ang mananampalataya lalo na sa pagdalo sa mga Banal na Misa upang ipakita ang pakikiisa sa Diyos at sa mga lingkod nito.

PANAWAGAN SA MGA KABATAAN

Hinikayat naman ng obispo ang mga na huwag matakot sa mga nang-aalipusta sa Panginoon at sa pananampalatayang Katoliko sa halip ay tumayo at manindigan upang labanan ang masasamang indibidwal.

“We urge the young people not to be afraid even our highest government officials are morally corrupt,” ani ni Bishop Santos.

Ang apela ay kaugnay na rin sa pagdiriwang ng Taon ng mga Kabataan sa Pilipinas bilang paghahanda sa ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa bansa.

Paalala pa nito na dapat manatiling tapat ang mga kabataan sa mga katuruan ng Simbahan at aktibong makibahagi sa pagpapalaganap nito sa buong sambayanan.

“Young people remain faithful to your Catholic Faith even if they are maligning our Catholic Church and be fruitful as you live teachings of our Lord Jesus and of our Catholic Church,” ayon pa sa obispo.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 2,403 total reads

 2,403 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 12,748 total reads

 12,748 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 53,308 total reads

 53,308 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 80,660 total reads

 80,660 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 128,925 total reads

 128,925 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 150,471 total reads

 150,471 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top