Hubugin ang mga kabataan sa respeto at hindi takot

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 633 total reads

Ang paghubog ng mabuting asal sa mga kabataan ay dapat na magsimula sa mga magulang at sa mga nakakatanda.

Iginiit ito ni Diocese of San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, Chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Clergy sa usapin ng pagdidisiplina sa mga kabataang Filipino.

Inihayag ni Save the Children Advocacy Officer Reylynne De La Paz na ito ang layunin ng isinusulong na Positive Discipline Bill o ang tinatawag na Anti-Palo Bill.

Ayon kay dela Paz, isinusulong ng panukala ang pagkakaroon ng ganap na respeto ng mga kabataan sa halip na pagkakaroon ng takot sa mga magulang at sa otoridad.

Paliwanag ni dela Paz na ang pagsunod ng mga bata dahil sa pamamalo ay dahil sa takot at ng survival mode mula sa sakit na dulot ng palo.

Sinabi ng grupo na hindi tunay na maipapaliwanag ng mga magulang sa mga bata ang pagkakamali sa pamamagitan ng palo.

“Sa positive discipline ang ini-emphasize natin ay yung respeto kesa takot kasi.Kapag may takot yung bata minsan dala niya yan hanggang sa paglaki niya…” pahayag ni dela Paz sa Radyo Veritas.

Saklaw ng panukalang House Bill 8239 o kilala bilang “Positive and Non-Violent Discipline of Children Act” ang pagbabawal sa marahas na pagpaparusa sa mga bata.

Ang naturang panukala ay hindi lamang nakatutok sa paraan ng pagdidisiplina ng mga magulang sa loob ng tahanan kundi maging sa mga paaralan at iba pang institusyon na mayroong mga menor-de-edad.

Nakapaloob rin sa panukala na ang sinumang lalabag at mapapatunayang marahas na nagparusa sa mga bata ay dapat na sumailalim sa seminar tungkol sa children’s rights, positibong paraan ng pagdidisiplina, anger management, counseling at therapy.

Iginigiit ng Kanyang Kabanalan Francisco na malaki ang gampanin ng mga magulang at maging ng mga guro sa paghubog ng pagkatao ng mga kabataan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 18,342 total reads

 18,342 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 125,668 total reads

 125,668 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 162,455 total reads

 162,455 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 193,029 total reads

 193,029 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 240,678 total reads

 240,678 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top