Karahasan sa bansa, idulog sa Mahal na Ina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 389 total reads

Mayroong isang Inang nababahala para sa mamamayang Filipino sa langit.

Ito ang pagninilay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP–Episcopal Commission on the Laity kaugnay sa kapistahan ng Immaculada Concepcion.

Ayon sa Obispo, bagamat patuloy ang pagsisikap ng iba’t ibang sektor ng lipunan na mawakasan ang patuloy na nagaganap na karahasan sa bansa ay kinakailangan pa rin ang paggabay ng Panginoon na maaaring makamit sa pamamagitan ng pananalangin.

“Habang tayo’y nagsisikap na magkaroon ng sama-samang pagkilos na matigil itong karahasan na ito at habang tayo ay nag-o-organize ng ganitong mga forum, kailangan din tayong magdasal,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Ayon pa sa obispo, bilang Ina ng Pilipinas pangunahing patron ng mga Filipino ay tiyak na nababahala at nalulungkot rin ang Mahal na Ina sa nagaganap na karahasan sa lipunan kung saan marami sa kanyang mga anak ang nahihirapan, nauulila dahil sa karahasan.

Dagdag pa ng Obispo isa sa nakadidismaya sa sitwasyon ng bayan sa kasalukuyan ay ang mga nagdudulot ng karahasang ito ay kapwa rin Filipino, mga pulis at militar na isinasantabi ang pagiging magkakapatid sa Diyos.

Mariin ding hinimok ni Bishop Pabillo ang bawat isa na gamitin ang pagkakataon ngayong Kapistahan ng Immaculada Concepcion na manalangin at hingin ang paggabay ng Mahal na Ina hindi lamang para sa bawat Filipino kundi para na rin sa pangkabuuang kabutihan at kapayapaan ng buong daigdig.

“Kapistahan ng ating Mahal na Ina, Immaculada Conception na siya pong pinaka-patron ng Pilipinas at bilang Ina ng Pilipinas siya ay nababahala din sa napakaraming mga anak niya na nauulila, maraming mga anak niya na nahihirapan at ang masama pa ang gumagawa nito ay kapwa Filipino rin mga pulis, mga militar na nagpapadala sa ganito, na nagpapahirap sa kanilang kapwa parang magkakapatid na sinisiraan ang kanilang kapatid kaya talagang nababahala din ang Mahal na Ina kaya nga ipagdasal natin, humingi tayo ng tulong sa kanya na gabayan ang mga Filipino, gabayan ang Pilipinas na mawala na ang problemang ito,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Ang Pilipinas na kilala ang pagtatangi sa Mahal na Ina ay una na ring kinilala bilang ‘Pueblo Amante de Maria’ o bansang namimintuho sa Mahal na Birhen na sa katunayan ay may higit sa 40 ang bilang ng mga imahe na bingyang pagkilala ng Vatican sa pamamagitan ng pagpuputong ng korona.

May 20 ding mga simbahan na nasa ilalim ng Mahal na Ina ang idineklara bilang mga pambansang dambana.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 37 total reads

 37 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 7,300 total reads

 7,300 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 21,177 total reads

 21,177 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 61,738 total reads

 61,738 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 88,660 total reads

 88,660 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 136,925 total reads

 136,925 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 158,054 total reads

 158,054 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 38 total reads

 38 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 7,301 total reads

 7,301 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 26,092 total reads

 26,092 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 25,813 total reads

 25,813 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top