VeritasPH

The Word, The Truth

Rule of law, para kanino?

SHARE THE TRUTH

 282 total views

Mga Kapanalig, rule of law daw ang dapat manaig sa isang demokrasyang tulad ng Pilipinas.

Iyan ang paalala ng tagapagsalita ni Pangulong Duterte na si Atty Salvador Panelo bilang reaksyon sa pag-aresto sa dating kinatawan ng Bayan Muna Party-list na si Satur Ocampo at 16 na iba pa. Hinuli kamakailan sina Ocampo at kanyang mga kasama sa Davao del Norte dahil sa umano’y kidnapping at human trafficking. Natuklasan sa checkpoint doon na kasama nila ang 14 na menor de edad mula sa Salugpungan School, isang paaralan para sa mga katutubo o indigenous peoples. Paliwanag ni Ocampo, tumugon lamang sila sa pakiusap ng mga guro roon na tulungan sila dahil inaatake ang kanilang paaralan ng Alamara paramilitary group, isang grupong binuo upang maging katuwang ng militar laban sa mga umano’y rebelde.

Ang pangulo naman ng Rappler, ang online news site na naglalabas ng mga balitang hindi nagugustuhan ng administrasyong Duterte, ay kinasuhan naman ng DOJ ng patung-patong na kaso ng tax evasion. Giit ni Maria Ressa, walang basehan ang mga kasong ito, at nakikita niya itong pahiwatig mula sa administrasyon na kailangang maging maingat ang Rappler. Sabi pa ng abogado ng Rappler, kitang-kita kung paano minadali ng DOJ ang pagsasampa ng kaso kahit hindi pa nila natatanggap ang desisyon ng DOJ sa dininig nitong tax evasion case laban sa organisasyon. Malinaw daw na salungat ito sa due process na karapatan ng sinumang sasampahan ng kaso.

Samantala, kinatigan ng Korte Suprema ang pagpapawalang-sala ng Court of Tax Appeals kay Juan Miguel “Mikey” Arroyo, anak ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, sa kasong tax evasion. Bigo raw ang Office of the Solicitor General o OSG na patunayang hindi nagbayad ng buwis na nagkakahalaga ng 27 milyong piso ang nakababatang Arroyo. Dahil lamang sa depekto sa mga papeles na ipinasa ng OSG—o baka naman sa kawalan nito ng interes na talagang isulong ang kaso laban sa anak ng kaalyado ng pangulo—hindi na natin mapapanagot ang sinasabing lumusot sa batas para lamang makaiwas sa pagbabayad ng buwis.

At nito ngang Biyernes, acquitted sa kasong plunder ang dating senador at artistang si Bong Revilla, Jr. Ayon sa Sandiganbayan, hindi raw napatunayang tumanggap ang senador ng milyun-milyong kickback at komisyon mula sa kanyang Priority Assistance Development Fund o PDAF. Ngunit ang nakapagtataka, ipinasasauli sa kanya ang bahagi ng mahigit 100 milyong pisong nakulimbat niya kasabwat ang kanyang aide at ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles na kapwa nasentensyahan ng habambuhay na pagkakakulong. Bakit siya magsasauli kung hindi naman siya guilty?

Hindi mahirap isiping sa mga nangyayari ngayon—kung saan malinaw na may ginigipit at may pinapaboran—na tila ba nalulusaw na ang tunay na kahulugan ng “rule of law.” Sa Catholic social teaching na Centesimus Annus, sinabi ni San Juan Pablo II, ang prinsipyo ng rule of law ay mahalaga hindi lamang upang tiyaking walang sangay ng pamahalaan at mga lider natin ang umaabuso sa kanilang kapangyarihan kundi upang pangalagaan ang kalayaan ng lahat, kahit pa ng mga pumupuna sa mga ginagawang mali ng mga nasa poder. Dagdag pa niya, ang rule of law ay hindi lamang batay sa kagustuhan ng iilang tao.

Ngunit ang malungkot na katotohanan sa ating bayan sa kasalukuyan, nagagamit ng mga ganid sa kapangyarihan at kayamanan ang ating mga batas upang makaiwas sila sa parusang magpapanagot sa kamalian nila. Nagagamit din ito ng mga nasa poder upang patahimikin ang mga hindi nila kakampi at nakakikita ng mali sa kanilang ginagawa.

Sa inyong palagay, mga Kapanalig, nananaig ba ang rule of law sa ating bayan? O kung nananaig man, patas ba itong nailalapat sa lahat?

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 11,851 total views

 11,851 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 19,896 total views

 19,896 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 24,976 total views

 24,976 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 30,683 total views

 30,683 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 39,471 total views

 39,471 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 11,852 total views

 11,852 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 19,897 total views

 19,897 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 24,977 total views

 24,977 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 30,684 total views

 30,684 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 39,472 total views

 39,472 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,669 total views

 40,669 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 54,983 total views

 54,983 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,673 total views

 58,673 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,276 total views

 57,276 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,263 total views

 67,263 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,231 total views

 71,231 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,118 total views

 82,118 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,557 total views

 94,557 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,315 total views

 105,315 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,568 total views

 52,568 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top