60-taong anibersaryo ng Manila Cathedral, pinangunahan ni Papal Envoy Cardinal Maeda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 596 total reads

Pinangunahan ni Papal Envoy Osaka Archbishop Thomas Aquinas Manyo Cardinal Maeda ang pagdiriwang ng banal na misa sa kapistahan ng Our Lady of the Immaculate Conception at ang pag-alala sa ika-60 taong anibersaryo ng muling pagtatatag ng Manila Cathedral.

Bago magsimula ang banal na misa isinagawa ang unveiling of the image of Our Lady of the Immaculate Conception sa pintuan ng Manila Cathedral na binasbasan ni Cardinal Maeda.

Binati at malugod na tinanggap ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle si Cardinal Maeda at nagbahagi ito ng ilan sa kanilang mga karanasan ng bumisita si Cardinal Tagle sa Archdiocese of Osaka sa Japan.

Samantala, sa panayam ng Radyo Veritas kay Cardinal Maeda, sinabi nitong katangi-tangi ang ipinakikitang debosyon ng mga katolikong Filipino sa Mahal na birheng Maria, at ito ang dahilan kung bakit sa anumang pag-subok ay patuloy na nagiging matatag ang simbahan sa Pilipinas.

Ipinagmalaki naman ni Cardinal Maeda na maaaring maging modelo para sa ibang mga bansa ang samahan ng Pilipinas at Japan sa pamamagitan ng hindi na pakikiisang muli sa mga digmaan.

Sinabi nito na kinakailangang alalahanin ng bawat isa ang malagim na epekto ng digmaan gaya ng ipinakitang larawan ni Pope Francis kung saan buhat ng isang batang lalaki ang kan’yang kapatid na wala nang buhay.

Tiwala si Cardinal Maeda na sa pamamagitan ng pagsisimula sa simbahang katoliko ng Pilipinas at Japan ay maipalaganap sa buong mundo ang mensahe ng pagpapatawad at pakikipagkasundo.

“Ang ating Panginoon mismo sa kanyang sarili, ibinigay n’ya mismo sa atin ang pagpapatawad at pagkakasundo kaya dapat tayo din lalo na ang Pilipinas at Japan na simulan natin sa simbahang katoliko na ipalaganap din natin sa iba’t ibang tao lalo na sa buong mundo ang mensahe ng pagpapatawad at pakikipagkasundo sa bawat isa.” pahayag ni Cardinal Maeda sa Radyo Veritas na isinalin sa Filipino ni Fr. Eric De Guzman.

Taong 1958 nang muling maitatag ang Manila Cathedral matapos gumuho noong ikalawang digmaan pandaigdig.

Dahil dito, isasagawa ang ikalawang selebrasyon para sa anibersaryo ng katedral ngayong Lunes ika-10 ng Disyembre ganap na ika-5 ng hapon.

Isasagawa din dito ang Solemn Dedication of the Altar of the Manila Cathedral ayon sa ritwal ng Second Vatican Council.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 1,508 total reads

 1,508 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 23,756 total reads

 23,756 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 64,317 total reads

 64,317 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 91,093 total reads

 91,093 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 139,358 total reads

 139,358 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 160,379 total reads

 160,379 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 25,716 total reads

 25,716 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 18,656 total reads

 18,656 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top