Dambana ng La Virgen Milagrosa ng Badoc, opisyal ng itatalaga bilang Minor Basilica sa Pebrero

SHARE THE TRUTH

 187 total views

Pagpapalalim sa pananampalataya at pagkakaisa ng mananampalataya.

Ito ang pahayag ni Laoag Bishop Renato Mayugba kaugnay sa pagtataas ng Shrine of La Virgen Milagrosa de Badoc sa pagiging Minor Basilica.

Ayon sa Obispo mahalagang pagkakataon sa mga mananampalataya hindi lamang ng Pilipinas kundi maging ng Japan dahil ipagdiriwang sa susunod na taon ang ika – 400 anibersaryo ng pagdating ng imahe ng Mahal na Birhen na natagpuan sa karagatan ng Barangay Dadalaquiten sa pagitan ng Sinait, Ilocos Sur at Barangay Paguetpet Badoc Ilocos Norte noong 1620 kasama ang isang Krusipiho.

“Ang maganda dito next year [2020] we will be celebrating 400th anniversary of the presence of Lady of Badoc the Japanese Madonna,” pahayag ni Bishop Mayugba sa Radio Veritas.

Ito rin ay simbolo ng pagpapatuloy sa misyon ng Simbahang Katolika na ipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon at ipagtanggol ang pananampalataya lalo’t natagpuan ang imahe kasabay ng pang-uusig sa mga Kristiyano sa Japan.

Naniniwala ang mga residenteng nakatagpo sa imahe na ito ay pag-aari at nakalaan para sa isang isang Japanese missions upang tulungang mapatibay ang pananampalataya ng mga Kristiyanong Hapon na inuusig noong ika-17 siglo sa Tokuganawa Shogunate Japan kaya’t ang mukha ng imahe ay hawig sa isang Haponesa.

UGNAYAN NG BIRHEN NG BADOC AT JAPAN

Binigyang diin ni Bishop Mayugba na marapat ibahagi sa mananampalataya ng Japan ang pagiging Minor Basilica ng La Virgen Milagrosa de Badoc dahil kapwa ito nagpapaalala sa mga pangyayari noong ika-17 siglo kung saan pinaslang ang mga misyonerong Katoliko.

“With the elevation of the church in Badoc into a Minor Basilica and since the connection of Japan is very clear I feel a desire to share the faith back to Japan,” ani ni Bishop Mayugba.

Una na rito ang pagkakapaslang ni San Lorenzo Ruiz de Manila, kasapi ng mga misyonerong Dominikano na pinahirapan at pinatay sa Nagasaki Japan noong ika-28 ng Setyembre 1637 kasama ang iba pang misyonero makaraang tanggihan na talikuran ang pananampalatayang Katoliko.

Ikalawa, ang pagkilala kay Blessed Justo Takayama Ukon isang Catholic layman at itinuturing na pundasyon ng pananampalatayang Katoliko sa Japan subalit nagtungo ng Pilipinas noong 1615 makaraang ipinatapon dahil sa pagtangging iwanan ang pananampalatayang Katoliko.

Pumanaw si Ukon noong ika-3 ng Pebrero 1615 o 44 araw makaraang dumating sa bansa at nanirahan sa Intramuros Manila.

Dalawang kapilya katabi ng Minor Basilica ang sabay na babasbasan kung saan kapwa nakatalaga kay San Lorenzo Ruiz at Blessed Justo Takayama Ukon bilang pagkilala sa kanilang dakilang pagmamahal sa pananampalataya.

Ayon kay Bishop Mayugba na ang pagkakaugnay nina San Lorenzo, Blessed Takayama at Mahal na Birhen ng Badoc ay ang pagiging martir at mga inuusig na Kristiyano noong ika – 17 siglo.

PAGHAHANDA SA OPISYAL NA PAGTATALAGA

Ika-27 ng Disyembre nang ilunsad ng Diyosesis ang 40 araw na paghahanda sa pagdiriwang ng pagtataas sa St. John the Baptist Parish bilang Minor Basilica.

Ayon kay Bishop Mayugba puspusan ang paghahandang ispiritwal kung saan sa mga pagtitipon ay ipinaliliwanag sa mananampalataya ang kahulugan ng Minor Basilica at ang kaibahan nito sa mga ordinaryong Simbahan.

“That is the catechetical, spiritual and pastoral preparations,” ayon kay Bishop Mayugba.

Dahil dito inaanyayahan ng Obispo ang mga mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang na gaganapin sa ika – 5 ng Pebrero 2019.

Bukod kay Bishop Mayugba, mamumuno rin sa Banal na Misa si Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo habang babasahin naman ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia ang Decree of Concession.

Makikiisa rin sa pagdiriwang si Osaka Japan Archbishop Thomas Aquino Manyo Cardinal Maeda ang kauna-unahang Cardinal ng Japan simula nang lumaganap ang Kristiyanismo sa nasabing bansa na halos kasabay ng Pilipinas.

Magugunitang ika-30 ng Nobyembre ng aprubahan ng Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments ng Vatican ang kahilingan ng Diyosesis ng Laoag na itaas bilang Minor Basilica ang halos apat na sentenaryong Simbahan na pinagluklukan ng mapaghimalang Mahal na Birhen ng Badoc.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 49,259 total views

 49,259 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 54,677 total views

 54,677 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 61,384 total views

 61,384 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 76,177 total views

 76,177 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 82,333 total views

 82,333 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Tanggapin ang espiritu santo, paanyaya ni Bishop Pabillo

 296 total views

 296 total views Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Office on Stewardship ang mananampalataya sa kahalagahan ng pagtanggap sa Espiritu Santo. Ito ang mensahe ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa pagdiriwang ng simbahan sa Linggo ng Pentekostes kung saan ang pananahan ng Banal na Espiritu sa bawat isa ay paraan upang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Manila, makikiisa sa peoples march and prayer vs CHACHA

 695 total views

 695 total views Makikiisa ang Archdiocese of Manila sa isasagawang People’s March and Prayer Against Charter Change sa May 22, 2024. Sa liham sirkular ni Manila Archdiocesan Chancellor Fr. Isidro Marinay, hinimok nito ang nasasakupan na makiisa sa pagtitipon sa harapan ng tanggapan ng Senado sa Pasay City mula alas tres hanggang alas singko ng hapon.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

CBCP, pinuri ang Civilian-led mission sa WPS

 829 total views

 829 total views Nanindigan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mas mainam na paraan ang pagkakaisa ng mga ordinaryong Pilipino sa West Philippine Sea sa halip na paigtingin ang armadong pwersa ng bansa. Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virglio David ang pagpapakita ng mga sibilyang Pilipino sa pagmamalasakit sa karagatan ng WPS

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Apat na Filipino Bishops sa US, dadalo; Ikalimang Filipinong Obispo sa Amerika, oordinahan sa May 31

 1,194 total views

 1,194 total views Pupusan na ang paghahanda ng Diocese of Sacramento kasama ang Filipino communities sa California para sa nalalapit na ordinasyon bilang obispo ni Bishop-elect Rey Bersabal sa May 31. Ayon kay Pontificio Collegio Filippino Rector Fr. Gregory Ramon Gaston kamakailan ay nakipagkita ito sa bagong halal na katuwang na obispo ng Sacramento kung saan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Divorce, labag sa batas ng simbahan

 1,260 total views

 1,260 total views Naniniwala si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na mas mapagtibay ang pamayanang nakaugat sa pag-ibig, habag at paggalang sa sakramento ng pag-iisang dibdib. Ito ang mensahe ng obispo kasunod ng pag-usad ng House Bill No. 9349 o Absolute Divorce Act sa mababang kapulungan kung saan inaprubahan ito ng mga mambabatas sa pamamagitan ng viva

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Paigtingin ang pananalangin ng santo rosary, paanyaya ng simbahan sa mamamayan

 1,984 total views

 1,984 total views Hinimok ng pamunuan ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Fatima sa Urduja, Caloocan City ang mamamayan na paigtingin ang pananalangin lalo ng Santo Rosaryo. Ayon kay Shrine Rector at Parish Priest Fr. Aristeo De Leon, sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo mahalagang maisabuhay ang panawagan ng Mahal na Ina nang magpakita

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Polisiya sa pagtanggap sa dayuhang estudyante, pinahihigpitan ng isang mambabatas

 2,007 total views

 2,007 total views Iginiit ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro na dapat higpitan ng pamahalaan ang mga polisiya sa pagtanggap ng mga dayuhang estudyante sa bansa. Sa panayam ng programang Veritas Pilipina, sinabi ni Castro na dapat suriing mabuti ang mga dokumentong isinusumite ng mga dayuhang pumapasok sa Pilipinas upang matiyak ang kanilang dahilan sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

AI, mapanganib kung gagamitin sa mis-communications

 3,659 total views

 3,659 total views Inihayag ng opisyal ng Archdiocese of Manila Office of Communications na kinilala simbahan ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya sa lipunan. Ayon kay Radio Veritas Vice President, AOC Director Fr. Roy Bellen, biyaya ng Panginoon ang mga pag-unlad tulad ng ‘artificial intelligence’ na maaring gamitin ng simbahan sa pagpapaigting ng ebanghelisasyon gamit ang media.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahang mag-pilgrimage sa Antipolo cathedral

 4,831 total views

 4,831 total views Inaanyayahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na makiisa sa pilgrimage season ngayong buwan ng Mayo sa pagbisita sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Ayon sa obispo magandang pagkakataon na makibahagi ang kristiyanong pamayanan sa mayamang kultura at tradisyon ng diyosesis kung saan sinimulan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mga bagong katungkulan sa Archdiocese of Manila, isinapubliko

 13,469 total views

 13,469 total views Itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Arcbishop Jose Cardinal Advincula ang ilang pari sa kanilang bagong katungkulan sa mga parokya, mission stations at institusyon ng Archdiocese of Manila. Kabilang sa mga nagkaroon ng pagbabago ang pamunuan ng San Carlos Seminary kung saan itinalagang Rector si Fr. Rolando Garcia Jr. habang Vice Rector, Procurator at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakahirang sa ika-5 Pilipinong Obispo sa US, ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro

 13,654 total views

 13,654 total views Ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang pagtalaga ng Papa Francisco kay Filipino priest Fr. Reynaldo Bersabal bilang Auxiliary bishop ng Diocese of Sacramento. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, ito ay palatandaang patuloy ang paglago ng kristiyanismo sa Pilipinas sapagkat nakapagbahagi ng mga misyonerong Pilipino sa ibayong dagat. “We praise and thank

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mga kabataan, inaanyayahang tuklasin ang bokasyon

 13,628 total views

 13,628 total views Umaasa si Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias na maging bukas ang mga kabataang pagnilayan ang bokasyon at tumugon sa tawag ng Panginoong maglingkod sa kawan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng pandaigdigang panalangin para sa bokasyon kasabay ng Linggo ng Mabuting Pastol. Ayon sa Obispo, nawa’y pakinggan ng mga kabataan ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

4-libong kabataan, lalahok sa national vocation festival

 17,004 total views

 17,004 total views Iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga diyosesis sa basna ang pagtataguyod sa bokasyon ng mga kabataan. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Vocations Executive Secretary Fr. Randy de Jesus, dapat magkaroon ng ‘kultura ng bokasyon’ ang simbahan sa Pilipinas upang magabayan ang mga kabataang nais maglingkod sa kawan ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Katarungan para sa pinaslang na babae sa Bohol, panawagan ng obispo

 18,333 total views

 18,333 total views Mariing kinundena ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang karumal-dumal na pagpaslang kay Roselyn Gaoiran ng Tubigon Bohol. Hinimok ni Bishop Uy ang mga awtoridad na magsagawa ng malawakang imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng krimen. “We urge the authorities to promptly initiate a thorough investigation to ensure that the perpetrator(s) are

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top