Cardinal Tagle sa mga botante at kandidato: isipin ang ‘common good’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 424 total views

“Isang biyaya na may kaakibat na responsibilidad at isipin ang kapakanan ng nakararami”

Ganito isinalarawan ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle ang partisipasyon ng mamamayan at ng mga kandidato sa May 9, 2016 elections lalo na at hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataon na makibahagi para magluklok ng susunod na mamumuno sa kanilang bansa.

Sa kanyang Homiliya sa Misa sa Manila Cathedral, na alay ng Radyo Veritas, iginiit ni cardinal Tagle na ang pagboto ay isang tungkulin na hindi lamang makabayan kundi maka-Diyos, banal at kinakailangan isipin hindi lamang ang sarili kundi ang ‘common good’.

“Totoo may mga panganib pero tingnan natin na ang pagkakataon ng biyaya sa ating bansa, bahagi ng demokrasya at ang demokrasya ay nakatayo sa pundasyon ng partisipasyon, sa iba’t-ibang level at sa ibang pamamaraan, ang isang pamamaraan ng participation in a democracy is elections. Kaya kung tutuusin ang pagboto ay isang tungkulin na hindi lamang makabayan kundi maka-Diyos at banal, dahil sa aking pagboto ako ay nakikilahok dito sa biyaya na binibigay sa atin na makibahagi, magkaroon ng boses para sa ikabubuti ng ating lipunan, we participate through our vote in forging the destiny of our country, what a blessing! Mahirap ka mayaman ka, may pinag-aralan o wala, iginagalang ka minamata, pag eleksyon mapalad ka, puwede kang makiisa at sa pamamagitanng boto mo, mayroon kang bahagi sa magiging kinabukasan ng ating bansa, what a blessing pero yung ganyang partisipasyon ay may kaakibat na responsibidad, paano ako makikilahok kundi ako well-informed, paano ako makikilahok kung hindi ako mag-aaral at magsusuri, paano ako makikibahagi kung hindi malinaw ang values na aking pamantayan, paano ako makikilahok sa pag-ukit ng kasaysayan ng ating bayan kung wala akong sense of the common good. What a blessing but what a responsibility.” Bahagi ng Homiliya ni Cardinal Tagle.

Kaugnay nito, iginiit din ng cardinal na isang biyaya din at may kaakibat na responsibilidad ang halalan para sa mga kandidato na kinakailangan isipin din ang kapakanan ng nakararami.

“Ang ating inihalal ay mga kinatawan ng bayan at bilang kinatawan, mayroon silang gift, malaking biyaya yun na ikaw pinagkatiwalaan para ang kabutihan ng bayan ay iyong maisulong, what a gift, public trust what a blessing… the blessing of being elected as a representative of the common good also has it corresponding responsibility, ang nahahalal bilang kinatawan ng bayan bagamat mayroong kalayaang kumilos at mag-isip ay may obligasyon din na laging makinig sa mga tao na kanyang isinasakatawan, may obligasyon din siya na linawin sa kanyang sarili ano ba ang ganap na pagtingin sa tao, what is a human being? what does human dignity mean? What does human rights really mean and what does the common good entailed…Kung ang botante kailangang mag-aral, ang kandidato at nahahalal kailangan ding mag-aral, pag-aralan ang tunay na pangangailangan ng tao na nagtitiwala sa kanya at yan lalampas na sa party politics dahil pag-uusapan na diyan ang common good.”

Ang Misa na alay para sa malinis at mapayapang halalan ay dinaluhan ng mga kandidato sa halalan kabilang na sina presidentiables Manuel Roxas at Jejomar Binay at mga senatoriable.

Matapos ang Misa, nakibahagi ang mga kandidato sa Covenant Signing for Truth o Truthful, Responsible, Upright, Transparent & Honest Elections

Tinatayang nasa 54.6 milyon ang rehistradong botante ng May 9 elections kumpara sa 2013 elections na nasa 52 milyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 21,929 total views

 21,929 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 146,340 total views

 146,340 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 189,403 total views

 189,403 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 269,171 total views

 269,171 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 48,405 total views

 48,405 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 253,447 total views

 253,447 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top