Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi biro ang rape

SHARE THE TRUTH

 478 total views

Mga Kapanalig, mainit na usapan noong nakaraang linggo ang pagbibiro ng isang tumatakbo sa pagkapangulo tungkol sa paggahasa at pagpatay sa isang Australian missionary noong 1989. Kasama po ba kayo sa mga natawa at ipinagtanggol ang nasabing kandidato dahil biro lang naman daw iyon? O kabilang ba kayo sa mga nagalit at umalma sa kaniyang pagbibiro tungkol sa napakasensitibong isyu ng pang-aabuso sa kababaihan.

Maraming babae sa Pilipinas ang biktima ng rape.At hindi ito biro. Kung titingnan ang datos ng PNP,lumaki ang bilang ng mga naiuulat na kaso ng panggagahasa.Mula sa humigit-kumulang 5,000 kaso noong 2014, umakyat ito sa mahigit 8,000 kaso noong 2015.

Ngunit higit pa sa malaking bilang ng kaso ng rape sa bansa ang isyu ngayon, mga Kapanalig. Ang rape ay nakaugat sa kung paano natin itinuturing ang kababaihan sa ating lipunan. At sa kasalukuyan, gaya ng ipinakikita sa birong iyon ng isang nais maging pangulo ng Pilipinas, napakababa pa rin ng ating pagtingin sa mga babae.

Isang grupo ng kababaihan ang nag hayag ng kanilang matinding pagkundena sa pagbanggit ng rape sa isang biro. Paliwanag nila, ang ginawa ng nasabing pulitiko ay maituturing nang pang-aabuso sa mga kababaihan,at pang-aabuso rin sa kapangyarihan ng isang taong nasa puwesto. Naghain ang grupo ng reklamo sa Commission on Human Rights o CHR dahil sa paglabag ng nasabing kandidato sa Republic Act 9710 o ang Magna Carta of Women, ang batas na binibigyang proteksyon ang mga kababaihan laban sa anumang uri ng diskriminasyon. Ayon sa grupo, ang paulit-ulit na kawalan ng respeto ng kontrobersyal na pulitiko, lalung-lalo na ang pagbanggit ng rape sa isang biro, ay nagpapalaganap ng “rape culture” o ang kultura ng paggamit ng lakas upang pagsamantalahan ang mga kababaihan.

Sa harap ng isyung ito, maaari nating pagnilayan ang tanong ni Lingayen-Dagupan Archbishop at CBCP President Socrates Villegas: ang katulad ba ng pulitikong ito ang nais nating mamuno sa ating bansa?

Mga Kapanalig, para sa ating Simbahan, maraming isyu ng sanhi ng hindi pantay na pagtingin sa mga kababaihan ang kailangang tugunan. Kinilala ito ng Second Plenary Council of the Philippines noong 1992. Bahagi ng mapagpanibagong pagpapalaganap ng Mabuting Balita ang pagkilala sa mga isyung kinakaharap ng kababaihan. Mariing tinututulan ng konseho ang lahat ng uri ng diskrimisayon at pagsasamantala sa mga babae. Inaako ring tungkulin ng Simbahan ang pagpapalawig at pagpapalalim ng kaalaman ng mga mananampalataya tungkol sa dangal pantao ng kababaihan at ang kanilang pagiging kapantay ng mga lalaki.

Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang mga katangiang binigay ng Diyos sa mga kababaihan upang makapag-ambag sa pagpapabuti ng Simbahan, at sa dahilang ito dapat nating irespeto ang kanilang dignidad. Sa sinulat ni St John Paul II na Mulieris Dignitatem, isang apostolic letter tungkol sa dignidad at bokasyon ng mga kababaihan, sinabi niyang sa mga pagkakataong inaapakan ng sinuman ang dangal at bokasyon ng isang babae, kumikilos siya nang taliwas sa kanyang sariling dangal at bokasyon. Sa Ingles, “For whenever man is responsible for offending a woman’s personal dignity and vocation, he acts contrary to his own personal dignity and his own vocation.”

Mga Kapanalig, mahaba na ang naging pakikipaglaban ng mga kababaihan upang itaguyod ang kanilang dignidad. Para gawing katatawanan ang pagsasamantala sa kanila ay lantarang pambabastos sa ating mga kaibigang babae, sa ating mga ate, at sa ating mga ina.

Sa darating na Biyernes, ika-29 ng Abril, ay ang ika-79 na anibersaryo ng pagkamit ng mga Pilipina ng kanilang karapatang bumoto. Ngayong laganap ang pambabastos sa kanila, ang boses ng kababaihan ay kailangang marinig, higit kailanman, sa darating na eleksyon.
Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEGACY OF CORRUPTION

 5,883 total views

 5,883 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 56,417 total views

 56,417 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 86,459 total views

 86,459 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 100,338 total views

 100,338 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 12,203 total views

 12,203 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »

RELATED ARTICLES

LEGACY OF CORRUPTION

 5,885 total views

 5,885 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 56,419 total views

 56,419 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 86,461 total views

 86,461 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 100,340 total views

 100,340 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 113,688 total views

 113,688 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 100,294 total views

 100,294 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 80,678 total views

 80,678 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 104,375 total views

 104,375 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »
Scroll to Top