387 total views
Ito ang naging panawagan ni Apostolic Vicariate of Puerto Prinsesa, Palawan Bishop Pedro Arigo sa pamahalaan matapos na isailalim sa state of calamity ang lungsod ng Puerto Prinsesa sa Palawan.
Ayon kay Bishop Arigo, nakatutulong ang rasyon ng tubig na inirarasyon ng lokal na pamahalaan sa kanilang lugar ngunit higit aniyang makatutulong ang pangmatagalang suplay ng tubig at irigasyon sa mga lupang sakahan ng mga magsasaka.
Hiniling din ni Bishop Arigo na magamit sana agad ang P21 milyong pisong calamity fund upang tulungan ang mga apektado ng tag–tuyot.
“Ang talagang pangangailangan ng mga majority talaga ng farmers kasi matagal na kaming nagsimula ng rationing ang kanilang kailangan ay water supply. Maganda yung system na mayroong rationing alam mo yung oras mag – aantay ka nalang kahit hatinggabi may schedule kasi. Pero mukhang yung rationing parang short na rin ang supplay kaya ayun nadeklara ng emergency para sa ganun ay mag – release yung kanilang emergency fund at para matugunan yung pangangailangan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Arigo sa panayam ng Veritas Patrol.
Samantala, nakalaan ang nasabing pondo para makakuha ng 2 trak ng bumbero na magsusuplay ng tubig sa mga residente.
Maliban sa Puerto Prinsesa, Palawan ay nagdeklara na rin ng state of calamity ang probinsiya ng Iloilo at Negros Occidental.