Hindi biro ang rape

SHARE THE TRUTH

 256 total views

Mga Kapanalig, mainit na usapan noong nakaraang linggo ang pagbibiro ng isang tumatakbo sa pagkapangulo tungkol sa paggahasa at pagpatay sa isang Australian missionary noong 1989. Kasama po ba kayo sa mga natawa at ipinagtanggol ang nasabing kandidato dahil biro lang naman daw iyon? O kabilang ba kayo sa mga nagalit at umalma sa kaniyang pagbibiro tungkol sa napakasensitibong isyu ng pang-aabuso sa kababaihan.

Maraming babae sa Pilipinas ang biktima ng rape.At hindi ito biro. Kung titingnan ang datos ng PNP,lumaki ang bilang ng mga naiuulat na kaso ng panggagahasa.Mula sa humigit-kumulang 5,000 kaso noong 2014, umakyat ito sa mahigit 8,000 kaso noong 2015.

Ngunit higit pa sa malaking bilang ng kaso ng rape sa bansa ang isyu ngayon, mga Kapanalig. Ang rape ay nakaugat sa kung paano natin itinuturing ang kababaihan sa ating lipunan. At sa kasalukuyan, gaya ng ipinakikita sa birong iyon ng isang nais maging pangulo ng Pilipinas, napakababa pa rin ng ating pagtingin sa mga babae.

Isang grupo ng kababaihan ang nag hayag ng kanilang matinding pagkundena sa pagbanggit ng rape sa isang biro. Paliwanag nila, ang ginawa ng nasabing pulitiko ay maituturing nang pang-aabuso sa mga kababaihan,at pang-aabuso rin sa kapangyarihan ng isang taong nasa puwesto. Naghain ang grupo ng reklamo sa Commission on Human Rights o CHR dahil sa paglabag ng nasabing kandidato sa Republic Act 9710 o ang Magna Carta of Women, ang batas na binibigyang proteksyon ang mga kababaihan laban sa anumang uri ng diskriminasyon. Ayon sa grupo, ang paulit-ulit na kawalan ng respeto ng kontrobersyal na pulitiko, lalung-lalo na ang pagbanggit ng rape sa isang biro, ay nagpapalaganap ng “rape culture” o ang kultura ng paggamit ng lakas upang pagsamantalahan ang mga kababaihan.

Sa harap ng isyung ito, maaari nating pagnilayan ang tanong ni Lingayen-Dagupan Archbishop at CBCP President Socrates Villegas: ang katulad ba ng pulitikong ito ang nais nating mamuno sa ating bansa?

Mga Kapanalig, para sa ating Simbahan, maraming isyu ng sanhi ng hindi pantay na pagtingin sa mga kababaihan ang kailangang tugunan. Kinilala ito ng Second Plenary Council of the Philippines noong 1992. Bahagi ng mapagpanibagong pagpapalaganap ng Mabuting Balita ang pagkilala sa mga isyung kinakaharap ng kababaihan. Mariing tinututulan ng konseho ang lahat ng uri ng diskrimisayon at pagsasamantala sa mga babae. Inaako ring tungkulin ng Simbahan ang pagpapalawig at pagpapalalim ng kaalaman ng mga mananampalataya tungkol sa dangal pantao ng kababaihan at ang kanilang pagiging kapantay ng mga lalaki.

Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang mga katangiang binigay ng Diyos sa mga kababaihan upang makapag-ambag sa pagpapabuti ng Simbahan, at sa dahilang ito dapat nating irespeto ang kanilang dignidad. Sa sinulat ni St John Paul II na Mulieris Dignitatem, isang apostolic letter tungkol sa dignidad at bokasyon ng mga kababaihan, sinabi niyang sa mga pagkakataong inaapakan ng sinuman ang dangal at bokasyon ng isang babae, kumikilos siya nang taliwas sa kanyang sariling dangal at bokasyon. Sa Ingles, “For whenever man is responsible for offending a woman’s personal dignity and vocation, he acts contrary to his own personal dignity and his own vocation.”

Mga Kapanalig, mahaba na ang naging pakikipaglaban ng mga kababaihan upang itaguyod ang kanilang dignidad. Para gawing katatawanan ang pagsasamantala sa kanila ay lantarang pambabastos sa ating mga kaibigang babae, sa ating mga ate, at sa ating mga ina.

Sa darating na Biyernes, ika-29 ng Abril, ay ang ika-79 na anibersaryo ng pagkamit ng mga Pilipina ng kanilang karapatang bumoto. Ngayong laganap ang pambabastos sa kanila, ang boses ng kababaihan ay kailangang marinig, higit kailanman, sa darating na eleksyon.
Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pinupulitikang ayuda

 74,017 total views

 74,017 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »

Higit sa kita

 84,810 total views

 84,810 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 90,216 total views

 90,216 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »

Cybercrime

 127,299 total views

 127,299 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 138,945 total views

 138,945 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pinupulitikang ayuda

 74,018 total views

 74,018 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa kita

 84,811 total views

 84,811 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 90,217 total views

 90,217 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cybercrime

 127,300 total views

 127,300 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 138,946 total views

 138,946 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Economy

 106,534 total views

 106,534 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 112,327 total views

 112,327 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 124,709 total views

 124,709 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pwedeng taumbayan naman?

 73,025 total views

 73,025 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 108,231 total views

 108,231 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga gig workers

 154,064 total views

 154,064 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online work at kababaihan

 155,082 total views

 155,082 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disaster Preparedness

 128,848 total views

 128,848 total views Ang ating bansa ay madalas sinasalanta ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa. Ang mga kalamidad na ito ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon nga sa mga eksperto, malaki ang tsansa na umabot ng P1.5 trillion ang halaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panahon ng biyaya at pagbabagong-loob

 125,907 total views

 125,907 total views Mga Kapanalig, sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Kuwaresma ngayong taon, sinabi ni Pope Francis na ang panahong ito ay isang panahon ng biyaya. Isa itong pagkakataon para sa pagbabagong-loob at kalayaan. “Lent is a season of conversion, a time of freedom,” paalala ng Santo Papa sa ating mga Katoliko. Sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak

 126,949 total views

 126,949 total views Mga Kapanalig, kung hindi pa kontrobersyal ang lamat sa pagitan ng binansagang “UniTeam” ng mga Marcos at Duterte, lumutang naman ang mungkahi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao. Ibang klaseng hiwalayan naman ito. Sa kasagsagan ng debate tungkol sa Cha-cha at sa people’s initiative, sinabi ng dating

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top