Kampanya laban sa corruption, hindi dapat ningas-cogon lang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 387 total reads

Nararapat lamang ang pagsasampa ng kaso ng Office of the Ombudsman kay dating Vice-President Jejomar Binay.

Kinatigan ng isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP ang paghahain ng Office of the Ombudsman ng kasong katiwalian laban kay Binay sa sandaling bumaba ito sa puwesto.

Iginiit ni CBCP-Episcopal Commission on the Laity chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na kailangan ihabla sa husgado ang mga opisyal ng pamahalaan na nasasangkot sa katiwalian kung seryoso ang bagong administrasyon sa kampanya laban sa corruption.

Inihayag ni Bishop Pabillo na hindi lamang si VP Binay ang dapat kasuhan kundi maging mga kaalyado ni Presumptive President Rodrigo Duterte na nasasangkot sa katiwalian.

Naninindigan ang Obispo na sa pamamagitan nito, makikita ng mga bagong opisyal ng bayan na talagang may accountability sa kanilang ginawa.

“Kung sinong may kasalanan, dapat siya masampahan ng kaso. Iyong nakaraang administrasyon na may mga kasalanan ay dapat sa masampahan ng kaso hindi lang si Binay pati ‘yung ibang opisyal diyan maging pro-administration para matakot ‘yung tao na dapat gawin nila ng maayos ang panunungkulan nila kasi mayroong accountability,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas

Isa sa mga kasong kinakaharap ni VP Binay ay ang 2.8-bilyong pisong overpriced na pagpapagawa ng parking sa Makati City hall.

Hinamon din ng Obispo ang bagong administrasyon na panagutin sa batas ang mga nasa likod ng pork barrel scam.

Matatandaang mahigit sa 100 mga mambabatas, tatlong miyembro ng gabinete ng dating Pangulong Arroyo ang sinasabing kasabwat ni Janeth Napoles sa 10-billion pesos pork barrel scam.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 12,120 total reads

 12,120 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 36,019 total reads

 36,019 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 72,520 total reads

 72,520 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 293,144 total reads

 293,144 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 327,111 total reads

 327,111 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 88,518 total reads

 88,518 total reads Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 66,064 total reads

 66,064 total reads Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 104,493 total reads

 104,493 total reads Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top