Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Grupo ng magsasaka, iginiit ang pagtutol sa Rice Tariffication Law

SHARE THE TRUTH

 573 total views

Marapat pasalamatan ang sektor ng pagsasaka sapagkat mahalaga para sa buhay ng bawat isa ang gawain ng mga nagbubungkal ng lupa.

Ito ang nilalaman sa isang panalangin ng Kaniyang Kabanalan Francisco para sa mga magsasaka bilang pagbibigay pugay sa dakilang gawain sa paglinang ng mga lupang ipinagkaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.

Giit ng Santo Papa karapat dapat na bibigyan ng disenteng buhay ang bawat magsasaka sa lipunan dahil maging sila ay taong nilikha na kawangis ng Panginoon.

Sa Pilipinas, nanawagan sa pamahalaan ang grupo ng mga magsasaka na nanganganib na mawalan ng kabuhayan kasunod ng pagsasabatas ng Rice Tariffication Law na layong luwagan ang alituntunin sa pag-aangkat ng bigas at mapabilis ang pagpasok sa mga pamilihan.

Ayon sa Bantay Bigas at Amihan, labis ang panganib ng batas sa lokal na produksyon ng bigas na maaring hindi na tangkilikin ng mamamayan kaya’t hinimok nito ang mga Filipino na pangalagaan ang lokal na produksyon ng bigas sa pamamagitan ng pagkakaisang manindigan na ipagwalang bisa ang inamiyendahang Republic Act No. 8178 o ang Agricultural Tariffication Act of 1996.

“We urge the stakeholders, the producers and consumers to protest and protect our country’s food security and demand the junking of this law,” pahayag ni Cathy Estavillo ng Bantay Bigas.

Kapwa nanindigan ang grupo na hindi solusyon sa suliranin ng suplay at presyo ng bigas sa bansa ang Rice Tariffication Law kundi makasisira lamang ito sa kakayahan ng mga magsasaka na tustusan ang suplay ng bigas sa bansa.

Giit ni Estavillo, magbibigay daan ang nasabing batas para pamunuan ng malalaking negosyante at ilang pribadong indibidwal ang pagsusuplay ng bigas sa bawat Filipino.

“These profit-oriented entities do not recognize food security as primary, thus, availability and accessibility of the poor sectors to food are emasculated,” dagdag ni Estavillo.

Sa pag-aaral ng grupo, 350 bilyong pisong halaga ang mawawala sa industriya ng bigas sa pagsabatas ng Rice Tariffication Law kaya’t hinimok ng grupo ang lahat ng sektor na magkaisang manindigan sa pagtutol ng nasabing batas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 24,577 total views

 24,577 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 33,245 total views

 33,245 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 41,425 total views

 41,425 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 37,173 total views

 37,173 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 49,223 total views

 49,223 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Economics
Norman Dequia

EU bonds, isinusulong ng European Union

 17,642 total views

 17,642 total views Isinulong ng European Union sa Pilipinas ang EU bonds bilang maasahan at ligtas na investment gayundin ang pagtiyak na matatag na global currency

Read More »
Economics
Norman Dequia

Virtual PAG-IBIG Mobile App, inilunsad

 20,981 total views

 20,981 total views Inilunsad ng Pag-IBIG Fund ang Virtual Pag-IBIG Mobile App na layong pabilisin ang serbisyo sa mga kasapi ng institusyon. Ginawa ito sa ika

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top