Pagpapahalaga sa buhay ng Emir ng Qatar, dapat tuluran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 403 total views

Nagpa–abot ng pasasalamat ang Catholic Bishops Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples sa pagpapatawad at pagpapalaya ng 15 overseas Filipino workers (OFWs) na bilanggo sa Qatar.

Umaasa si Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon na tularan nawa ng susunod na administrasyon ang pagpapahalaga sa buhay ng bansang Qatar lalo ng kanilang Emir Seikh Al Thani at itigil na ang pagpapatupad ng parusang kamatayan upang tuluyan ring maisalba ang nasa mahigit 90 OFW na nasa death row sa iba’t ibang bansa.

“Dapat natin itong ipagpasalamat sa kanilang Emir sa Qatar sa kanyang Royal clemency ito ay nagpapakita na sila rin ay nagpapahalaga sa ating ginagawa doon. Sila ay nagpapahalaga sa atin sa trabaho at nagpapahalaga sa buhay. At ito rin ay isang magandang aral para sa ating pamahalaan na kung saan ay bigyan ng pagpapahalaga ang ating mga OFW na kung saan sila ay alagaan, sila ay ingatan at gumawa ng paraan upang ang kanilang buhay ay maligtas… Ngayon ay magandang pag–isipan, pagnilayan na sa lahat ng sumusulong sa death penalty isang hindi magandang halimbawa na tayo na palagi nating hinihingi sa ibang bansa higit sa lahat sa 90 na nasa bilangguan at isa nga rito ay si Mary Jane Veloso at si Luz Dacanay Policarpio na hinihingi natin na sila ay makalaya,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Nanawagan naman si Bishop Santos kay President elect Rodrigo Duterte na imbes na pagtuunan ng pansin ang death penalty ay isulong ang pagsasa–ayos ng sistemang hudikatura ng bansa at ayusin ang formation ng mga bilanggo tungo sa pagbabago.

“Bigyan natin ng pagkakataong mabuhay, ingatan natin ang buhay, alagaan natin ang buhay, ang kailangan natin ay ating iwasto, ating itama ang ating judiciary system at ‘yun ring ating mga prisons na ating i–review, ating i–reform, ‘yung tao, ‘yung sistema at ‘yung istruktura,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Magugunita na noong nakaraang taon ay ginawaran rin ng Emir ang nasa 12 Pilipinong bilanggo sa Qatar noong okasyon ng Ramada nitong Hulyo ng nakaraang taon at hiwalay pa rito ang 10 pang Pilipinong pinalaya kasama ang isang Filipina noong Qatar National Day.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 69,047 total views

 69,047 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 92,206 total views

 92,206 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 113,480 total views

 113,480 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 278,951 total views

 278,951 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 219,745 total views

 219,745 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top