200 total views
Malaki ang tiwala ni Diocese of Butuan Bishop Juan De Dios Pueblos kay incoming Department of Agriculture secretary Manny Piñol.
Ayon kay Bishop Pueblos, maraming naisulong na programa si Piñol sa kanilang diyosesis sa larangan ng sustainable and alternative agriculture na makatutulong sa mga problema ng mga magsasaka sa buong bansa.
“Sa larangan ng ekonomiya, I have to talk this coming August to see Piñol who was my good friend… we have a very good program for agriculture in my diocese. Sustainable agriculture, no more use of chemicals, and many other aspects that we have educated our farmers and there are things that need to be done all over the country,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pueblos sa panayam ng Veritas Patrol.
Inihayag naman ni Bishop Pueblos ang kanyang intensyong makipag–pulong kay President elect Rodgrigo Duterte sa kanyang nais ipatupad na federal form of government na makatutulong sa ikauunlad ng mga lupang sakahan ng mga lumads.
“Regarding Duterte naman I still want to talk to him regarding this federal form of government that atleast wala na ‘yung imperial Manila that was I really appreciated in his proclamation. We look on Davao not on Manila and so many other aspects could be rooted in places like for example in my place for we have most numbers of tribal people. So with federal form of government we will try to help the education of our tribal people regarding their governance,” giit pa ni Bishop Pueblos sa panayam ng Radyo Veritas.
Nabatid na nasa 14 hanggang 17 milyon ang populasyon ng mga Indigeneous Peoples sa bansa na halos karamihan o 61 porsyento ng mga ito ay nasa Mindanao na pawang mga magsasaka sa kanilang ninunong lupa.
Nakasaad naman sa Republic Act 8371 o mas kilala bilang “Indigenous Peoples Rights Act” o IPRA ng 1997 kinikilala nito ang karapatan ng mga lumads na pamahalaan ang kanilang lupang ninunong saklaw.