Pagpapahalaga sa buhay ng Emir ng Qatar, dapat tuluran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 448 total views

Nagpa–abot ng pasasalamat ang Catholic Bishops Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples sa pagpapatawad at pagpapalaya ng 15 overseas Filipino workers (OFWs) na bilanggo sa Qatar.

Umaasa si Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon na tularan nawa ng susunod na administrasyon ang pagpapahalaga sa buhay ng bansang Qatar lalo ng kanilang Emir Seikh Al Thani at itigil na ang pagpapatupad ng parusang kamatayan upang tuluyan ring maisalba ang nasa mahigit 90 OFW na nasa death row sa iba’t ibang bansa.

“Dapat natin itong ipagpasalamat sa kanilang Emir sa Qatar sa kanyang Royal clemency ito ay nagpapakita na sila rin ay nagpapahalaga sa ating ginagawa doon. Sila ay nagpapahalaga sa atin sa trabaho at nagpapahalaga sa buhay. At ito rin ay isang magandang aral para sa ating pamahalaan na kung saan ay bigyan ng pagpapahalaga ang ating mga OFW na kung saan sila ay alagaan, sila ay ingatan at gumawa ng paraan upang ang kanilang buhay ay maligtas… Ngayon ay magandang pag–isipan, pagnilayan na sa lahat ng sumusulong sa death penalty isang hindi magandang halimbawa na tayo na palagi nating hinihingi sa ibang bansa higit sa lahat sa 90 na nasa bilangguan at isa nga rito ay si Mary Jane Veloso at si Luz Dacanay Policarpio na hinihingi natin na sila ay makalaya,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Nanawagan naman si Bishop Santos kay President elect Rodrigo Duterte na imbes na pagtuunan ng pansin ang death penalty ay isulong ang pagsasa–ayos ng sistemang hudikatura ng bansa at ayusin ang formation ng mga bilanggo tungo sa pagbabago.

“Bigyan natin ng pagkakataong mabuhay, ingatan natin ang buhay, alagaan natin ang buhay, ang kailangan natin ay ating iwasto, ating itama ang ating judiciary system at ‘yun ring ating mga prisons na ating i–review, ating i–reform, ‘yung tao, ‘yung sistema at ‘yung istruktura,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Magugunita na noong nakaraang taon ay ginawaran rin ng Emir ang nasa 12 Pilipinong bilanggo sa Qatar noong okasyon ng Ramada nitong Hulyo ng nakaraang taon at hiwalay pa rito ang 10 pang Pilipinong pinalaya kasama ang isang Filipina noong Qatar National Day.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 26,821 total views

 26,821 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 55,172 total views

 55,172 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 122,902 total views

 122,902 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 146,053 total views

 146,053 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 214,275 total views

 214,275 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 149,912 total views

 149,912 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 313,692 total views

 313,692 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top