CBCP-ECMIP, nakiramay sa mga biktima ng Orlando Florida shooting incident

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 326 total reads

Nakikiramay ang Catholic Bishops Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa mga kaanak ng 50 nasawi sa pag–atake sa Orlando, Florida USA.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, maraming buhay ang nasayang dahil lamang sa maling ideyolohiya at baluktot na pag–iisip.

“Tayo ay nakikiramay at tayo ay nag–aalay ng panalangin at Santa Misa sa mga nasawi sa nangyari at naganap doon sa Orlando, Florida na kung saan mahigit 50 ang nasawi. Ang buhay ay nasayang dahil lamang sa maling ideyolohiya ang buhay ay nawala dahil sa makasalanang pag–iisip at baluktot na layunin,” bahagi ng pakikiramay ni Bishop Santos.

Hinimok rin ng obispo ang bawat isa na isama sa bawat panalangin at Banal na Misa ang mga ikapapayapa ng kaluluwa ng mga nasawi sa naturang insidente.

Pinayuhan rin nito ang pamilyang naiwan ng mga namatay sa insidente na manalig sa Diyos na sila ay bigyan ng katatagan malampasan ang kanilang suliraning kinakaharap.

“Nanalangin tayo sa mga naiwan na maging matatag, maging masipag, higit magtiwala at kumapit sa Diyos at ang Diyos ay hindi sila pababayaan at ang Diyos ang nagbigay sa kanila ng kalakasan at katatagan ng kalooban… tayo ay nanalangin sa buong mundo na ang ating buong mundo ay makaranas nawa ng kapayapaan ng kaisahan at nawala sa bawat isa ang pagkamuhi, ang maling layunin sa isa’t isa,” bahagi ng panalangin ni Bishop Santos sa naturang insidente.

Sa kabila ng pagluluksa, tiniyak ni Florida Governor Rick Scott na babangon ang estado mula sa trahedya.

Sa ngayon 21 pa lamang sa mga nasawi ang napangalanan ng mga awtoridad.

Nauna na ring nagpaabot ng panalangin at pakikiramay ang Kanyang Kabanalan Francisco sa Florida at umaasa ito na kakaharapin at malalampasan nila ito ng may pananampalataya sa Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 76,585 total reads

 76,585 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,358 total reads

 111,358 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 146,658 total reads

 146,658 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,927 total reads

 372,927 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,177 total reads

 262,177 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 295,161 total reads

 295,161 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 407,193 total reads

 407,193 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top