Painting ng pagbibinyag sa Pilipinas bilang Kristiyanong bansa, isasapubliko ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 955 total views

Ipapakita sa publiko ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang isang painting kaugnay sa unang pagbibinyag bilang kristiyanong bansa ng Pilipinas.

Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, vice-president ng CBCP, ito ay isang orihinal na mural o malaking painting ng binyag ni King Humabon at Reyna Juana o Reyna Humamay.

Ang larawan ay hindi sinasadyang natagpuan sa lumang tanggapan ng CBCP sa Maynila.

‘Pina-authenticate at dineclare na authentic ng anak ni Fernando Amorsolo. By the way, this coming celebration, 500 years of Christianity ia-unveil para makita ng mga tao,” ayon kay Bishop David.

Sinabi ni Bishop David na lumabas sa authentication na orihinal na likha ng national artist na si Fernando Amorsolo ang painting.

“Ang naka-paint doon is the baptism of King Humabon at Reyna Juana actually ang original name ni Juana ay Reyna Humamay,”bahagi ng kuwento ni Bishop David sa Radio Veritas

Ang binyag na ito ay may petsang April 14, 1521.

Isang imahe rin ng Santo Niño ang naging regalo ni Magellan sa mag-asawa na siyang simula ng pananampalataya kay Hesus sa pamamagitan ng imahe ng kanyang kabataan- at ang debosyon ng mga Filipino sa Niño Jesus.

Ang debosyon ng Santo Niño ay isang popular na debosyon ng mga Filipino na taunang ipinagdiriwang lalu na sa Visayas region.

Inaasahan ding magpapalimbag ang simbahan ng Pilipinas ng kasaysayan ng pananampalatayang Filipino kaugnay sa mga unang misyonero ng simbahan sa bansa.

“Balak ng CBCP through the Church Historians Association of the Philippines ay maglulunsad ng iba’t ibang lecture series at mag-iinvite ng church historians na magbigay ng lecture on very specific topics ng history of Christianity of the Philippines at iipunin ito mga lectures na ito. At eventually iipunin itong mga lectures na ito into publications. At ang first part ng publication ay about the early missions,” ayon kay Bishop David

Sa taong 2021, ipagdiriwang ng simbahang Katolika sa Pilipinas ang ika-5 sentenaryo ng pananampalataya kung saan siyam na taon ang ginawang paghahanda ng simbahan para sa malaking pagdiriwang.

Kabilang na dito ang pagdiriwang kada taon na may paksa sa iba’t-ibang sektor ng simbahan at ngayong taon ipinagdiriwang ang Year of the Youth.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 124,602 total views

 124,602 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 249,013 total views

 249,013 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 288,554 total views

 288,554 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 361,359 total views

 361,359 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top