Krus ang tunay na simbolo ng buhay at pag-ibig

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,320 total reads

Ito ang pagninilay ni Bishop Rex Andrew Alarcon sa ginanap na Misa ng Bayang Filipino sa pagsisimula ng ika-anim na Philippine Conference on New Evangelization sa Quadricentennial Pavillion ng University of Santo Tomas na magtatapos sa linggo sa ika-21 ng Hulyo.

Sa homiliya ng Obispo, sa Krus na nakabayubay si Hesus ay katunayan na siya’y nabuhay at nakipamuhay kasama ang mga tao sa daigdig.

“I thought the symbol of love is a heart, now I realized, it is more of the cross. Ang krus ay ang pag-ibig ng Diyos, ang krus ay ang pagliligtas ni Hesus. Sa krus ibinigay ni Hesus ang kanyang buhay upang tayo ay muling mabuhay,” pagninilay ni Bishop Alarcon.

Ipinaliwanag ng Obispo na sa Krus ding ito pinasan ni Hesus ang kasalanan ng bawat tao at ating nasaksihan ang dakilang pag-ibig ng Panginoon.

Ang mensahe ni Bishop Alarcon ay bilang tugon sa karaniwang katanungan ng kabataan kaugnay sa pagdududa sa pananampalataya at sa pagmamahal ng Diyos.

“Ang Krus ay hindi patay na kahoy, buhay ang Krus. Nabuhay ang taong nakabayubay sa Krus, sa krus nasaksihan natin ang dakilang pag-ibig. Ang daan ni Hesus at ang lakad ni Hesus, ay ang daan at lakad ng Krus. Ito ang daan at paglalakad ng wagas na pag-ibig,” ayon pa sa pagninilay ng Obispo.

Si Bishop Alarcon ay kabilang sa mga pinakabagong Obispo ng simbahan na itinalaga ng Santo Papa Francisco ngayong taon at ang in-coming chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth sa katatapos lamang ng plenary assembly.

Inihayag ng Obispo na ang pagmamahal ng Diyos ay dakila at para sa lahat sa kabila ng ating mga pagdududa at agam-agam.

Tema ngayong taon ang Filipino Youth Walking with Jesus na bahagi ng pagdiriwang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ng Year of the Youth bilang paghahanda sa ika-500 taon ng Katolisismo sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 23,056 total reads

 23,056 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 59,641 total reads

 59,641 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 285,911 total reads

 285,911 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 179,378 total reads

 179,378 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 272,186 total reads

 272,186 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 5,212 total reads

 5,212 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top