Maging kabahagi ng kaharian ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 786 total reads

Ito ang hamon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya sa misa ng ordinasyon ni Novaliches Bishop elect Roberto Gaa nitong ika-22 ng Agosto sa Minor Basilica of the Immaculate Concepcion, Manila Cathedral.

Espesyal para kay Cardinal Tagle ang pagdiriwang ng ordinasyon dahil kasabay nito ang Feast of the Queenship of Mary o Paggunita sa Pagkareyna ni Maria.

Ayon sa Kardinal, itinanghal na reyna ang Mahal na Birhen dahil sa pagiging ina nito kay Hesus at dahil din sa pakikibahagi niya sa paghahari ng kan’yang anak.

Gayunman, ipinaliwanag ng Kardinal na ang kaharian ni Hesukristo ay hindi ang kahariang tipikal na kinikilala ng mundo.

Ang kaharian ng Diyos ay nagpapahalaga sa kahirapan, pagpapakumbaba, pagiging matuwid, kapayapaan na inuusig sa ngalan ni Hesus at ng katarungan.

Inihayag ni Cardinal Tagle na ang Hari sa kaharian ng Panginoon ay ang siyang naglilingkod sa halip na pinaglilingkuran.

“It is a kingdom whose values are beatitude, poverty, meekness, righteousness, peace-making, even persecution for the sake of the name of Jesus and of justice. It is a kingdom where the greatest must be the servant of all, it is the kingdom where the master prepares the table, stoops down and washes the feet of His disciples. It is a kingdom where the throne is the cross, and the crown is made of thorns. It is a kingdom of faith, pure, naked, faith, it is a kingdom that prays for those who persecute you Father.” Pahayag ni Cardinal Tagle sa kanyang pagninilay.

Binigyang diin ni Cardinal Tagle na ang bawat mananampalataya ay dapat na makibahagi sa paraan ng pagiging hari ni Hesus.

Aniya, nangangailangan ang mundo, lalo na ang Pilipinas ng paghahayag ng kaharian ng Diyos at ito ay sa pamamagitan ng pakikiisa ng mga mananampalataya.

“We are all sharers in the kingly role of Jesus as baptized as ordained we are a royal people. And like Mary, we should affirm that by choosing Jesus as our king, and like Mary and Jesus taking the path of faith, taking the path of humble service of God and neighbor in order to show the regal aspect of Jesus. The world, the Philippines, we need a manifestation of the regal aspect the royal character of Jesus and His kingdom through humble service, through communion with the little ones, that’s how we become royal.” Dagdag ni Cardinal Tagle.

Dahil dito, umaasa ang Cardinal na palaging maaalala ni Bishop Gaa sa kapistahan ng pagka reyna ni Maria ang kanyang misyon bilang isang anak ng Diyos at bilang isang Obispo na isabuhay ang kaharian ng Diyos.

“We hope that your ordination as a bishop on the Queenship of Mary would constantly remind you that the royal people, the kingly people must be lead in faith so that it is the kingdom of our Lord Jesus served beautifully, profoundly by the queen mother who listened to the word of God, who put it into practice even if it spilled out inconveniences for her, that’s your personal mission, and mission as a bishop.” Pahayag ni Cardinal Tagle.

Si Bishop Gaa ang ika-32 sa mga obispo sa Pilipinas na hinirang ni Pope Francis mula noong 2013, at pang siyam naman siya sa mga nahirang sa bansa ngayong taon.

Pamumunuan niya ang Diocese of Novaliches na tinatayang mayroong 2.5 milyong mga mananampalatayang katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 57,784 total reads

 57,784 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 136,984 total reads

 136,984 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,429 total reads

 170,429 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 205,727 total reads

 205,727 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 429,916 total reads

 429,916 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,825 total reads

 37,825 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,714 total reads

 30,714 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top