Segunda Mana Outlet, magbubukas sa Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 525 total views

Inaanyayahan ng Caritas Manila Segunda Mana ang mamamayan ng Antipolo sa gaganaping expo sa lungsod.

Ayon sa Caritas Manila ang social action arm ng Arkidiyosesis ng Maynila ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsagawa ng expo ang Segunda Mana sa Antipolo upang mailapit sa mamamayan ang mga produktong maaring mabili sa mababang halaga na gawa ng mga Caritas partners.

Layunin ng mga programa ng Caritas Manila na matulungan ang mga mahihirap sa lipunan na maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay at hindi umaasa lamang sa mga tulong.

Pangunahing benepisyaryo ng Segunda Mana ng Caritas Manila ang Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP na tumutulong sa halos 5, 000 estudyante sa buong bansa na walang sapat na kakayahang pinansyal para tustusan ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

Naniniwala si Fr. Anton Pascual ang Executive Director ng Caritas Manila at pangulo ng Radio Veritas 846 na edukasyon ang susi ng tagumpay ng mamamayan kaya’t mahalagang mapalawak pa ang programa.

“Ang kikitain po rito ay gagamitin natin sa pagpapaaral ng mga kabataan sa kolehiyo at vocational technology,” bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Bukod sa pagkamit ng edukasyon layunin din ng Caritas Manila na mahubog ang mga kabataan tungo sa pagiging mabubuting lider ng lipunan na handang kakalinga sa mga mahihirap.

Magbubukas ang Segunda Mana expo sa ikalawa ng Setyembre sa Vista Mall Antipolo ganap na alas-11 ng umaga at tatagal hanggang ika-15 ng Setyembre.

Pangungunahan ni Antipolo Bishop Francis de Leon ang pagbubukas ng expo habang dadalo rin sa pagtitipon ang mga opisyal ng lalawigan sa pangunguna ni Rizal Governor Rebecca Ynares.

Sa kabuuan mayroon nang 34 na outlet ang Segunda Mana ng Caritas Manila kabilang na ang isang charity outlet sa Iloilo habang inaasahan ang pagbubukas ng panibagong outlet sa Cebu sa Oktubre.

Mabibili sa expo ang mga donasyong gamit mula sa mga kilalang kompanya at establisimiyento, kilalang personalidad sa lipunan na nakiisa sa adhikain ng Simbahan na tugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap na Filipino lalu na ang kabataang nais makapagtapos sa pag-aaral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 213,814 total views

 213,814 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 244,038 total views

 244,038 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 270,682 total views

 270,682 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 365,655 total views

 365,655 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 372,828 total views

 372,828 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top