Grado sa legacy ni PNoy sa kalikasan, pasang-awa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 351 total views

Binigyan ng pasang-awang grado ng Center for Energy Ecology and Development ang papaalis na Administrasyong Aquino sa usapin ng pangangalaga sa kalikasan.

Ayon kay Gerry Arances, convenor ng CEED, sa anim na taong panunungkulan ni PNoy, maraming kumpanya itong binigyan ng permit upang makapag-operate gaya ng coal-fired power plants na nakasisira sa kalikasan, sa kalusugan at maging sa komunidad.

Gayunman, hindi bagsak ang grado ng papaalis na administrasyon dahil sa ipinalabas nitong resolusyon sa Climate Change Commission na nag-aatas na pag-aralan muli ang mga polisiya sa enerhiya kasabay ng moratorium sa mga gawain ng nasabing mga kumpanya.

“Sa aming pagtaya, sa anim na taon, matagal na nagtutulak ng napakaraming batas para sa ating kalikaksan, andiyan ang alternative minerals management bill, na itinulak ng mga komunidad na naapektuhan ng pagmimina. Sa tingin nila mahalagang mabago ang mga batas na pumapabor sa mga dayuhang kumpanya na sumsisira sa kalikasan. Subalit hindi ito naging priority bill kasama ang iba pang panukalang batas na nagnanais na ayusin at protektahan ang kapaligiran.
May legacy na ganito si PNoy, pero kami rin ay kahit huli na, naihabol at nagagalak kaming may naiwan siya na isa dito ang paglagda sa resolusyon sa Climate Change Commission na i-review ang polisiya sa enerhiya. Alam natin siya ang may pinakamaraming pinirmahang kontrata ng coal-fired power plants, lahat ng apektadong komunidad at organisayon maging ang Simbahan binabatikos ang administrasyon,” pahayag ni Arances sa panayam ng Radyo Veritas.

Pahayag ni Arances, sa nasabing resolusyon, pinasusuri ng Pangulong Aquino kung paano mababawasan o malilimitahan ang coal plants na paborable sa renewable energy.

“Siguro natauhan siya na inaalipusta niya ang renewable energy kaya pinare-review niya sa kanyang nilagang resolusyon na nais i-reveiw ang energy policy sa bansa na tinitingnan kung paano mababawasan at malilimitahan ang coal-fired power plants at paborable para sa renewable energy. Ito ang isa sa iniwan ng administrasyon na malaki ang magagawa ara sa ating bayan,” dagdag pa ni Arances.

Tinatayang may 17 planta ang inaasahang operational ngayong 2016 hanggang 2020 matapos mabigyan ng permit to operate ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Magugunitang sa Laudato Si ni Pope Francis, binigyang diin nitong dapat pangunahan ng mga lider ng bansa at mga mambabatas ang pagpapatupad ng mga batas na magpapaunlad sa renewable energy upang matigil na ang paggamit ng mapaminsalang fossil fuels.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 84,419 total views

 84,418 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 84,419 total views

 84,418 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 84,418 total views

 84,418 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 81,888 total views

 81,888 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 74,763 total views

 74,763 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 196,577 total views

 196,577 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top