Sampung lumang simbahan ng Bohol: Nagagamit na, 6-taon makalipas ang malakas na lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 591 total views

Nagpasalamat ang Diyosesis ng Tagbilaran sa Panginoon at sa mga sektor na tumulong sa pagsasaayos ng mga Simabahan ng Bohol na nasira nang yanigin ng 7.2 magnitude na lindol ang lalawigan 6 na taon ang nakalipas.

Ayon kay Bishop Alberto Uy mahalaga ang pagtutulungan ng bawat mamamayan sa ikabubuti ng bawat isa lalo na ang pagsasaayos ng mga simbahan.

“We are very grateful to God for having helped us sa restoration process sa ating mga Simbahan damaged by the 7.2 magnitude earthquake in 2013,” pahayag ni Bishop Uy sa Radio Veritas.

Binanggit ng Obispo ang tulong at suporta mula sa national government sa pangunguna ng National Historical Commission of the Philippines at National Museum dahil karamihan sa mga nasirang simbahan ay kabilang sa mga idineklarang heritage church ng bansa.

“God has continued to support us by providing us good people and the government also who supports us in the restoration process of our churches,” ani ni Bishop Uy.

Sa pahayag ng Obispo nagpapatuloy pa rin ang restoration sa ilang mga Simbahan na labis ang pagkasira dulot ng lindol tulad ng Our Lady of Light Parish sa Loon, San Vicente Ferrer Parish sa Maribojoc, Santo Niño Parish sa Cortes, at ang century old na San Pedro Apostol Parish sa Loboc na binibisita ng mga turista dayuhan man o lokal.

Ilan sa mga Simbahan na muling binuksan at nagamit ng mga mananampalataya ang St. Isidore Parish sa Tubigon, Assumption of Our Lady Parish – Dauis, St. Nicholas Parish – Dimiao, ang kilalang Baclayon Church – Our Lady of the Immaculate Concpetion Parish, Holy Trinity Parish – Loay, St. Vincent Parish – Calape, St. James Parish – Batuan, Sta. Monica Parish – Alburquerque, St. Augustine – Panglao, St. Michael Parish – Clarin.

Ayon pa kay Bishop Uy na ang St. Michael Parish sa Clarin Bohol naisaayos sa tulong ng United States Conference of Catholic Bishops.

Ibinahagi pa ni Bishop Uy na tiniyak ng mga contractor sa nalalabing mga Simbahan na matatapos ang restoration process sa susunod na dalawang taon at muling magamit ng mananampalataya ang mga Simbahan.

Ika-15 ng Oktubre 2013 nang yanigin ang Central Visayas ng malakas na lindol partikular Bohol kung saan batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council umabot sa 200 katao ang nasawi, halos 1 libo ang nasugatan habang higit sa 2 bilyong pisong ari-arian naman ang nasira.

Inihayag ni Bishop Uy na ang naganap na lindol ay isang paalala sa bawat mananampalataya na ang lahat ng bagay sa mundo ay pansamantala lamang at maaring bawiin ng Panginoon kaya’t hindi dapat nagmamalaki ang tao sa Diyos kundi manatiling mapagpakumbaba sa lahat ng panahon.

“So as human as we are we don’t have a reason to be proud of, but then again we are made to feel na we are special by God because we are his children and he is always there to support us,” giit ng Obispo.

Binigyang pansin din ni Bishop Uy ang natapos nang programa ng Diyosesis na Bohol Rehabilitation & Rebuilding Project na pinangunahan noon ni Fr. Valentino Pinlac kung saan halos 500 mga bahay ang naipatayo para sa mga biktima ng lindol.

Sa tulong ng Italian Bishops Conference, bukod sa proyektong pabahay, gumawa rin ng mga programa ang BRRP para sa pagpapalalim ng kamalayan ng mamamayan sa bawat usaping panlipunan na nakakaapekto sa mga Boholano tulad ng epekto ng kalamidad.

Natapos ang 5-year program na BRRP sa pagtutulungan ng Diyosesis, pribado at pampublikong sektor at institusyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 207,969 total views

 207,969 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 238,192 total views

 238,192 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 264,837 total views

 264,837 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 359,810 total views

 359,810 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 367,343 total views

 367,343 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top