Pilipinas, nahaharap sa emergency situation.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 488 total reads

Inihayag ng Obispo ng San Carlos Negros Occidental na nahaharap sa tunay na krisis ang bansa na umaapekto sa mamamayan.

Ayon kay Bishop Gerardo Alminaza, dapat harapin ng mamamayan ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa na nagpapahirap sa mga Filipino upang makahanap ng mga hakbang na masugpo at mapigilan ang paglawak ng epekto nito sa lipunan.

“We are dealing with real-life crises and there’s a need for urgency over the country’s “emergency situation,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Alminaza.

Umaasa ang Obispo na mamulat at mabahala ang mamamayan sa laganap na paglapastangan sa kalikasan gayundin sa lipunan.

Tinukoy din ni Bishop Alminaza ang pagsasawalang bahala sa ispiritwal at moral values tulad ng mga pagpaslang na nagaganap sa kampanya kontra iligal na droga, mga human right defenders, environmentalist at mga magsasakang iniuugnay sa rebeldeng grupo.

Ipinagdarasal ni Bishop Alminaza na hindi makasanayan ng mga Filipino ang mga karahasan sa bansa at magtulungan sa paghahanap ng mga pamamaraang malutas ang suliranin.

“We cannot just live as if it’s business as usual, we should always be on our toes, always trying to respond to the emergency situation,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Inihayag ng Obispo na sa halip pagtuunan ang mga tsismis sa pamayanan tulad ng nagaganap sa showbiz industry ay mas mahalagang talakayin ng mga Filipino ang problema sa sektor ng agrikultura at ang naluluging mga magsasaka bunsod ng Rice Tariffication Law.

“The Philippines is currently “under a state of emergency” and it demands concrete actions from the future shepherds of the Church,” hamon ni Bishop Alminaza sa mga seminarista.

Ang pagninilay ng Obispo ay kasabay ng pagsasagawa sa ika – 12 Gathering of Theology Seminarians in the Visayas na ginanap sa Sancta Maria Mater et Regina Seminarium (SMMRS) Cagay Roxas City.

Hamon pa ng pinuno ng CBCP – Episcopal Commission on Seminaries sa mga seminarista na ipagpatuloy ang paghahangad na maging pari at maging kaisa sa misyon ni Hesus na buong katapatang ipalaganap ang mabuting balita sa kapwa.

Dumalo sa pagtitipon ang halos 300 seminarista mula sa Sancta Maria Mater et Regina Seminarium sa Capiz, St. Joseph Regional Seminary (SJRS) ng Jaro, Seminario Mayor de San Carlos (SMSC) ng Cebu at St. John the Evangelist School of Theology (SJEST) ng Palo Leyte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 9,963 total reads

 9,963 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 44,935 total reads

 44,935 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 81,419 total reads

 81,419 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 99,631 total reads

 99,631 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 183,444 total reads

 183,444 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top