Marawi siege victims, nagpaabot ng tulong sa mga apektado ng lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 566 total reads

Kabilang din ang Duyog Marawi sa mga nakikiisa at tumutulong sa mga biktima ng lindol sa Diocese ng Kidapawan.

Ayon Reynaldo Barnido, executive director ng Duyog Marawi, una silang nagsagawa ng assessment sa bayan ng Makilala gayundin ang pagbibigay ng psycho social intervention sa mga batang na-trauma sa naganap na lindol.

Bukod dito, nagbigay na rin ng earthquake safety tips sa mga residente para sa kanilang kaligtasan at upang hindi na madagdagan pa ang danyos sa mga nagaganap na lindol.

“Dahil nga po on-going ang earthquake kaya nagbigay na rin kami ng safety tips kasi yung mga bata palaro-laro pa, pumapasok pa sa mga buildings…para hindi na madagdagan ang damage,” ayon kay Barnido.

Ang Duyog Marawi ay isang Muslim at Church based group na tumutulong sa muling pagbangon ng Marawi City matapos ang Marawi siege sa Islamic City noong 2017.

Inilunsad din ng Duyog Marawi ang #MalongCares- o ang kampanya para makalikom ng 1,000 malongs para sa kababaihan sa kidapawan.

“Isa sa aming nakita na kailangang ding sagutin ang mga pangangailangan ng mga kababaihan, kasi open ang mga tent. Magbibihis sila mahirapan sila, para sa amin dignity at protection na rin sa kababaihan na meron silang gamit na pantakip,” dagdag pa ni Barnido.

Naunang nagbigay ng 200,000 pisong tulong pinansiyal ang Caritas Manila sa Diocese of Kidapawan para sa mga apektado ng lindol sa Region XI at XII.

Read: Mamamayan ng Region XI at XII nasa state of worry, panalangin hiling ng Simbahan

Nagsagawa din ng 2nd collection ang Diocese of Tagbilaran para sa mga nasalanta ng lindol.

Read: Diocese ng Tagbiliran, magsasagawa ng 2nd collection para sa Mindanao quake victims

Sa ulat ng Philippine Red Cross (PRC), umaabot na sa 35 libo o katumbas ng 178 libong indibidwal mula sa Region 11 at 12 ang naitalang naapektuhan ng malalakas na lindol.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 12,059 total reads

 12,059 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 49,347 total reads

 49,347 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 275,617 total reads

 275,617 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 169,084 total reads

 169,084 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 262,516 total reads

 262,516 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 4,322 total reads

 4,322 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top