Yolanda survivors, tumulong sa Mindanao quake victims

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 408 total reads

Inilunsad ng Archdiocese of Palo, Leyte ang kampanya para tumulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao region.

Ito ay kasabay na rin ng paggunita ng buong arkidiyosesis ng Palo sa ika-6 na taon ng pananalasa ng bagyong Yolanda na naganap ika-8 ng Nobyembre 2013.

Ayon kay Fr. Alcris Badana, director ng Relief and Rehabilitation Unit ng Archdiocese ng Palo, Leyte, ang hakbang ay isang paraan din ng pasasalamat sa mga taga-Mindanao sa kanilang ginawang malasakit noong panahong ang lalawigan ay naharap sa matinding hamon dulot ng malakas na bagyo.

“We have a special activity, launching din ng campaign to help naman ang mga kapatid natin na naapektuhan ng lindol sa Mindanao. But in the Archdiocese of Palo right after the news, nagkaroon kami ng campaign for all the parishes to have a special collection for this intention. Knowing na Mindanao they also help us after the typhoon Haiyan (Yolanda) maraming diyosesis sa Mindnao na tumulong sa amin. So this time it is our turn also to extend help,” ayon kay Fr. Badana.

Bilang paggunita naman sa nakaraang sakuna, sinabi ni Fr. Badana na bawat parokya ng arkidiyosesis ay nagdiwang ng misa bilang pag-alaala sa lahat ng mga yumao dulot ng bagyo.

Isang prusisyon din ang idinaos bago ang misa patungo sa mga mass graves sa iba’t ibang bayan para basbasan ang mga nasawi.

Sinabi naman ng pari na sa kabila ng trahedya na dulot ng bagyong Yolanda ay higit na lumalim ang pananampalataya ng mga taga-Palo, Leyte.

Dagdag ng pari, tuloy-tuloy pa rin ang mga programa at proyekto ng arkidiyosesis sa tulong ng iba’t ibang institusyong ng simbahan para sa patuloy na pagbangon ng lalawigan anim na taon makalipas ang trahedya.

Sa tala ng National Disasters Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), may 6,300 katao ang nasawi dulot ng trahedya kung saan aabot sa 9.5 milyong residente ang naapektuhan lalu na sa bahagi ng Eastern Visayas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 31,121 total reads

 31,121 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 67,245 total reads

 67,245 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 293,515 total reads

 293,515 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 186,982 total reads

 186,982 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 279,371 total reads

 279,371 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 5,926 total reads

 5,926 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top