Archdiocese of Manila, iiwanan ni Cardinal Tagle.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 354 total reads

Sa pagkakatalaga ni Pope Francis kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle bilang Prefect of the Congregation for the Evanglization of People’s o kilala rin bilang Prefect of the Propaganda Fide ay inaasahang iiwan na niya ang Archdiocese ng Manila.

Ayon kay Fr. Greg Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filipino at correspondent ng Radio Veritas sa Roma, ang bagong tungkulin ni Cardinal Tagle ay nakabase sa Roma at nakasasakop sa mas malaking responsibilidad na paghahayag ng pananampalataya at ng misyon ng simbahan sa buong mundo.

“Ibig sabihin dito na siya titira ngayon sa Vatican. Sa Rome, wala naman siyang bilocation. Kaya ipagdasal natin siya sa kaniyang bagong tahanan sa Roma,” ayon kay Fr. Gaston sa panayam ng Radio Veritas.

Papalitan ni Cardinal Tagle si Cardinal Fernando Filoni na nangasiwa sa kongresasyon simula noong 2011 na itinalaga ni Pope Francis bilang Grand Master ng Order of the Holy Sepulcher.

Bukod sa bagong posisyon, si Cardinal Tagle ang siya ring pangulo ng Caritas Internationalis at Catholic Biblical Federation.

“Depende na ‘yan sa Santo Papa, puwede naman yan na ituloy nya, unless ang Santo Papa ay maglagay ng mga bagong in-charge,” dagdag pa Fr. Gaston.

Ang Vatican ay may pangunahing 9 na kongregasyon na maihahatulad bilang ‘cabinet position’ kasama na dito ang tanggapan ng evangelization of peoples.

Si Cardinal Tagle ang ika-32 arsobispo ng Maynila na una na ring nagsilbi bilang obispo ng Imus.

Itinalaga bilang Cardinal taong 2012 ng noo’y si Pope Benedict XVI.

Ang Congregation for the Evangelization of Peoples ang nangangasiwa sa pagpapalaganap ng pananampalataya sa buong mundo na itinatag noong 1622 ni Pope Gregory XV.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 7,346 total reads

 7,346 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 94,229 total reads

 94,229 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 131,602 total reads

 131,602 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 162,863 total reads

 162,863 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 235,314 total reads

 235,314 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top