Sa gitna ng pagdiriwang: Huwag kalimutan ang mga biktima ng sakuna, panawagan ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 581 total reads

Pinaalalahanan ng incoming Prefect for the Congregation of the Evangelization of People, Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle ang mananampalataya na sa gitna ng pagsasaya ay huwag kalimutan ang mamamayan na humaharap sa pagsubok.

Sa misang pinangunahan ng arsobispo sa Missionaries of Charity nitong ika-25 ng Disyembre sinabi nitong dapat alalahanin ang bawat mamamayan bilang paglingap at pakikiisa sa kanilang karanasan.

“Ang ating pagsasaya ay hindi dapat maging daan ng pagkalimot sa mga kapatid nating nahihirapan,” ayon kay Cardinal Tagle.

Sa isang bahagi ng pagdiriwang hiniling ng Kardinal sa halos isanlibong dumalo ang sandaling katahimikan upang ipanalangin ang mga residenteng higit apektado sa pananalasa ng bagyong Ursula sa araw ng Pagsilang ng Batang Hesus.

Ayon kay Cardinal Tagle, habang pinasasalamatan ang Panginoon sa biyayang ipinagkaloob sa bawat isa ay marapat ding alalahanin ang mga biktima ng kalamidad at iba’t ibang uri ng sakuna sa lipunan.

“Habang nagpapasalamat tayo sa Diyos, alalahanin natin ang ating mga kapatid na dinaanan ng bagyo, ang mga humaharap sa pagsubok dahil sa bagyong Ursula,” pagpatuloy ng Kardinal.

Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Interior and Local Government (DILG) siyam katao na ang nasawi dahil sa bagyo sa Eastern Visayas habang anim na iba pa ang nawawala na patuloy hinahanap sa search and rescue operations.

Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 86 na munisipalidad ang nawalan ng suplay ng kuryente lalu na sa Region VI at VIII bunsod ng bagyo habang tinatayang mahigit sa 5, 000 indibidwal ang lumikas para sa kaligtasan.

Dalangin ni Cardinal Tagle ang katiwasayan at kaligtasan ng lahat ng apektado ng bagyo at tiniyak ang pag-asa ng bawat isa kasabay ng pagsilang ni Hesus na pinakamagandang kaloob sa bawat sanilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 41,162 total reads

 41,162 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 121,170 total reads

 121,170 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 154,617 total reads

 154,617 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 189,916 total reads

 189,916 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 414,888 total reads

 414,888 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top