Pagpapahalaga sa sakramento ng binyag, pinangunahan ng Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,366 total reads

Ang mga binyagang Katoliko ay hindi na lamang anak ng tao kun’di anak na ng Diyos

Ito ang binigyang diin ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Jr. matapos pangunahan ang pagbibinyag sa labindalawang sanggol na mula sa iba’t ibang komunidad ng maralitang taga-lungsod sa Metro Manila.

Hinimok ng Obispo ang mga magulang, ninong at ninang na alagaan ang mga bata dahil sa oras na sila ay mabinyagan ay nagiging anak na sila ng Diyos at kapatid ni Hesus.

Ipinaalala din niya na hindi sapat ang mga pisikal na pangangailangan ng tao upang masabing maayos na naaalagaan ang mga bata.

Binigyang diin ng Obispo na kinakailangang mapatnubayan ang espirituwalidad ng mga bata habang sila ay pinalalaki.

“Sa pagpapalaki sa kanila, hindi sapat ang gatas o kanin at ulam, ang kinakailangan ay ang mabuting balta ng ating panginoong Hesukristo ang ebanghelyo at ang inyong mabuting halimbawa at panalangin.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani.

Enero 12, 2020, inilunsad ng Radyo Veritas ang Holy Birthday Campaign kasabay ng Solemnity of the Lord’s Baptism sa pakikipagtulungan sa Minor Basilica of the Black Nazarene o St. John the Baptist Parish na kilala sa tawag na Quiapo Church.

Layunin nito na mapalalim ang pagpapahalaga ng mga mananampalataya sa kasagraduhan ng sakramento ng binyag at maihanda rin ang bawat katoliko sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Batay sa Veritas Truth Survey 57% lamang ng mga Pilipinong Katoliko ang nakaaalam ng araw ng kanilang binyag habang 32% ang hindi alam ang kanilang Baptismal Day at 11% naman ang hindi sigurado sa petsa ng kanilang binyag.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 36,901 total reads

 36,901 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 117,124 total reads

 117,124 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 150,572 total reads

 150,572 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 185,871 total reads

 185,871 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 411,020 total reads

 411,020 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,400 total reads

 37,400 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,290 total reads

 30,290 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top