Archdiocese of Lipa, may nakahanda ng ‘contingency plan’ sa paglala ng sitwasyon ng bulkang Taal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,588 total reads

Naghahanda na ng contingency plan ang Archdiocese ng Lipa, Batangas sakaling mas lumala pa ang sitwasyon ng bulkang Taal.

Ito ang inihayag ni Fr. Jayson Siapco ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission o LASAC pitong araw makaraan ang pagliligalig ng bulkan na nagsimula noong Linggo.

“Naghahanda na rin kami at meron na rin kaming mga contingency plans para sa sunod na phase if ever na sumabog ng malakas at kung hindi man laging may recovery phase at rehabilitation program ang archdiocese para sa mga nasalanta, survivors natin,” ayon kay Fr. Siapco.

Bukod sa simbahang Katolika, inihayag din ni Fr. Siapco na tatlo pang faith denomination ang nagbukas ng kanilang mga pinto para sa mga evacuees ng Batangas, gayundin ang mga privately owned resort na nagpatuloy ng kanilang mga kababayan.

PANGUNAHING PANGANGAILANGAN

Hiling ngayon ni Fr. Siapco sa mga nais na magdonate ay gamot, toiletries, banig at kumot dahil na rin sa dami ng mga tao lalu na sa mga evacuation centers.

“Sa pagkakataong ito, alam naitn na hindi madaling tumira sa evacuation centers. Alam nyo ang immune system humihina dahil hindi normal ang sitwasyon, marami na ang nagkakasakit lalu na ang mga bata. Kaya kailangan natin mga basic medicine. Ubo, sipon, lagnat.”

PSYCHOLOGICAL FIRST AIDERS

Inihayag pa ni Fr. Siapco na bukod sa relief operations, kabilang din sa ginagampanan ng LASAC ang pangangailangan espiritwal ng mga evacuees maging ng mga volunteers.

“Hindi lamang ito humanitarian response, ginawa naming holistic nandun ang para sa kaluluwa, kailangan may psycho-social intervention. Meron din ang archdiocese na dineploy na 120 PFA’s (Psychological First Aiders) na tina-train sometime in January 1,” ayon pa sa pari.

Sinabi pa ni Fr. Siapco, tuwing alas-11 ng umaga ay may misa ring ginanap sa mga evacuation centers ng pinangasiwaan ng LASAC.

Sa pinakahuling tala, may 142 libong katao na ang bilang ng evacuees na nasa 439 evacuation centers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 40,947 total reads

 40,947 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 120,958 total reads

 120,958 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 154,405 total reads

 154,405 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 189,704 total reads

 189,704 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 414,685 total reads

 414,685 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 296,779 total reads

 296,779 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 408,123 total reads

 408,123 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top