Huwag mawalan ng pag-asa, panawagan ng Arsobispo sa mga Batangueno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 518 total reads

Ibinahagi ni Lipa Batangas Archbishop Gilbert Garcera na patuloy na nararamdaman ng mga Bantagueño ang diwa ng Pasko sa gitna ng pagsubok na kinakaharap bunsod ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon sa arsobispo, higit naipamalas ng sambayanan ang tunay na diwa ng pasko na pagbabahaginan sa kapwa lalo na ang mga Filipinong nagmula sa iba’t-ibang lalawigan na dumalaw sa Batangas upang magkaloob ng tulong sa mga lumikas na residente.

“Napakaraming pagninilay ang bunga ng pagsabog ng Taal, unang-una since katatapos lang ng Christmas na panahon ng pagbibigayan, pagpapatawad, at panahon ng reunion; kitang-kita ‘yan dito sa Batangas,” pahayag ni Archbishop Garcera sa Radio Veritas.

Bagamat labis na ikinatuwa ng mga evacuues ang pagdamay ng buong bansa hinikayat ni Archbishop Garcera ang mga biktima na huwag mawalan ng pag-asa sapagkat ibinigay ng Diyos Ama si Hesus para sa kaligtasan ng mamamayan.

“Sa mga evacuues sana hindi sila mawalan ng pag-asa sapagkat si Hesus ay ibinigay sa atin; sa gitna ng pagsabog ng [bulkan] Taal mahalaga ang spirit of hope at spirit of clinging to the Lord,” pahayag ng Arsobispo.

Agad na ipinag-utos ni Archbishop Garcera sa mga pari ng arkidiyosesis ang pagbukas ng mga simbahan sa mga residenteng lumikas partikular mula sa mga bayan ng Talisay, Laurel, Saan Nicolas, Lemery, Taal at Agoncillo.

Ika-18 ng Enero sabay-sabay magdiriwang ng anticipated mass sa lahat ng mga evacuation centers sa buong arkidiyosesis bilang pagpapatibay ng pananampalataya ng mga biktima ng pagputok ng bulkan.

Bago matapos ang Banal na Misa isasagawa ang paghawak o paghalik sa Banal na Krus upang ipahayag ang pag-asa sa Diyos kasunod ang pamamahagi ng mga stampita o prayer guide para sa bawat mananampalataya.

Mensahe ni Archbishop Garcera sa mga Filipino ang patuloy na panalangin para sa mga biktima ng pagligalig ng bulkan at paghahari ng diwa ng Pasko ng Pagsilang ni Hesus.

“Huwag po ninyong kalimutan na ipagdasal kami [Batangueño] at ipagdasal ang bawat isa na may kagandahang loob bunga ng Pasko.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 39,884 total reads

 39,884 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 119,930 total reads

 119,930 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 153,378 total reads

 153,378 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 188,676 total reads

 188,676 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 413,698 total reads

 413,698 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top