Cardinal Tagle, nagpasalamat sa ‘bayanihan’ para sa mga Batangueno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 549 total reads

Kinilala ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle ang pagtutulungan ng mga mananampalataya ng Arkidiyosesis ng Maynila sa pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa liham ng arsobispo sa mga kapwa Pari, religious communities at mga layko, labis itong nagpasalamat sa pakikiisa sa panawagan ng Simbahan na lingapin ang mga apektadong residente ng Batangas.

“Thank you for your manifestation of Christian compassion and solidarity towards our sisters and brothers affected by the eruption of Taal Volcano. Your contribution to the relief efforts is commendable,” ayon kay Cardinal Tagle.

Panawagan ng incoming Prefect for the Congregation of Evangelizations for People sa mamamayan at mga parokya na makipag-ugnayan sa Diocesan Caritas o mga Social Action Centers sa mga diyosesis ng Batangas, Cavite at Laguna na nangunguna sa misyon ng simbahang maghatid ng tulong sa mahigit 100-libong lumikas na indibidwal.

“We [RCAM] suggest that you contact their respective SAC directors to determine their needs and the manner of helping,” bahagi ng liham ng Cardinal.

Hinimok ni Cardinal Tagle ang mga nais magpaabot ng tulong na maari ring makipag-ugnayan sa Caritas Manila na nakikipag-ugnayan sa DSAC ng mga nabanggit na lugar.

“You may also contact Cáritas Manila to send your assistance since our Damayan people are in close coordination with the said SAC directors.”

Binigyang diin ni Cardinal Tagle na sa pagkakawanggawa higit na naabot ng mamamayan ang mga mahihinang sektor ng lipunan lalo na ang mga maralita.

Nagsagawa naman ng Damay Kapanalig Taal Telethon ang Caritas Manila at Radio Veritas upang makalikom ng pondo para matulungan ang mga apektadong diyosesis sa relief operations at rehabilitasyon sa kanilang mga lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 38,245 total reads

 38,245 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 118,422 total reads

 118,422 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 151,870 total reads

 151,870 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 187,169 total reads

 187,169 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 412,256 total reads

 412,256 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top