Cardinal Tagle, nagpasalamat sa ‘bayanihan’ para sa mga Batangueno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 516 total reads

Kinilala ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle ang pagtutulungan ng mga mananampalataya ng Arkidiyosesis ng Maynila sa pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa liham ng arsobispo sa mga kapwa Pari, religious communities at mga layko, labis itong nagpasalamat sa pakikiisa sa panawagan ng Simbahan na lingapin ang mga apektadong residente ng Batangas.

“Thank you for your manifestation of Christian compassion and solidarity towards our sisters and brothers affected by the eruption of Taal Volcano. Your contribution to the relief efforts is commendable,” ayon kay Cardinal Tagle.

Panawagan ng incoming Prefect for the Congregation of Evangelizations for People sa mamamayan at mga parokya na makipag-ugnayan sa Diocesan Caritas o mga Social Action Centers sa mga diyosesis ng Batangas, Cavite at Laguna na nangunguna sa misyon ng simbahang maghatid ng tulong sa mahigit 100-libong lumikas na indibidwal.

“We [RCAM] suggest that you contact their respective SAC directors to determine their needs and the manner of helping,” bahagi ng liham ng Cardinal.

Hinimok ni Cardinal Tagle ang mga nais magpaabot ng tulong na maari ring makipag-ugnayan sa Caritas Manila na nakikipag-ugnayan sa DSAC ng mga nabanggit na lugar.

“You may also contact Cáritas Manila to send your assistance since our Damayan people are in close coordination with the said SAC directors.”

Binigyang diin ni Cardinal Tagle na sa pagkakawanggawa higit na naabot ng mamamayan ang mga mahihinang sektor ng lipunan lalo na ang mga maralita.

Nagsagawa naman ng Damay Kapanalig Taal Telethon ang Caritas Manila at Radio Veritas upang makalikom ng pondo para matulungan ang mga apektadong diyosesis sa relief operations at rehabilitasyon sa kanilang mga lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 2,105 total reads

 2,105 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 37,610 total reads

 37,610 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 74,094 total reads

 74,094 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 92,305 total reads

 92,305 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 176,542 total reads

 176,542 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 5,001 total reads

 5,001 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top