Ipag-adya ang sangnilikha mula sa mga kalamidad, panalangin ng obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 577 total views

Ipinapanalangin ni Balanga Bishop Ruperto Santos na iadya ang mamamayan sa mga sakunang maaring maranasan ng mundo dulot ng mga natural na kalamidad.

Nawa’y sa tulong at awa ng Panginoon ay malalampasan ng bawat isa ang krisis na idinudulot ng mga naranasang trahedya sa bansa.

Bago matapos ang 2019 nasalanta ng magkakasunod na malalakas na lindol ang North Cotabato at ang Digos Davao Del Sur kung saan bilyong piso nasirang ari-arian kung saan mahigit sampung katao ang nasawi.

Sinalanta rin ng magkasunod na bagyo ang ilang bahagi ng Luzon at Eastern Visayas sa pananalasa ng bagyong Tisoy at Ursula.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) umabot sa mahigit isang bilyong piso ang nasira sa imprastraktura at sektor ng agrikultura habang mahigit sa isang milyon ang apektadong mamamayan.

Hiling ni Bishop Santos sa Ama ang ibayong pangangalaga at pawiin ang pangamba ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng pag-adya sa mas malawak na pinsalang idudulot ng kalamidad.

Binanggit din ng obispo ang kahilingang tuluyang humupa na ang pagligalig ng bulkang Taal upang muling makapagsimula ang mahigit 100,000 katao na lumikas.

Sa pamamagitan ng dakilang pag-ibig ng Panginoon ay tuluyang mapawi at maramdaman ng bawat mananampalataya ang pagiging mapagkalinga ng Diyos.

Prayer of Deliverance from Calamities

O Heavenly Father, we worship and bow down before you. Your word says you will draw near to us when we draw ourselves near to you (James 4:8). We humbly approach your throne believing in the power of prayers. Cleanse us from all our unrighteousness and we beg you to hear our prayers.

O Almighty God, we plead for your mercy in this time of crisis. Display your power and deliver us from further devastation. You rule over all creation. You can calm the storm and still the waves at your command. We pray that volcanic eruptions, flood, typhoon, earthquakes, tsunamis, mudslides, and wildfires around the world be stopped or minimized. Our sustenance comes only from you, O Lord.

We beg that you keep us all safe under your loving and watchful eyes. Pour yourself out upon us so we may open our hearts and pursue you until the end of our lives. All these we ask in the name of your most precious son, Jesus, Amen.

+RCS

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 185,131 total views

 185,131 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 215,353 total views

 215,353 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 241,999 total views

 241,999 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 336,972 total views

 336,972 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 345,984 total views

 345,984 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top