Pagbabalik ng Birhen ng Santo Rosaryo dela Naval de Manila, pagdiriwang ng debosyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 737 total reads

Inihayag ng pinuno ng Colegio de San Juan de Letran na ang pagbalik ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo de La Naval de Manila sa orihinal na tahanan sa Intramuros Maynila ay hindi lamang maituturing na pagdiriwang sa pananampalataya.

Ayon kay Reverend Father Clarence Victor Marquez, OP, ang Rector at President ng institusyon, pagpalalim ng pananampalataya at sentro ng buong pagdiriwang ang ginugunita.

“Ang pagbalik ng Mahal na Birhen ng La Naval de Manila sa Intramuros ay hindi basta-bastang pagdiriwang kundi ito ay isang debosyon, pagpapakita ng pagmamahal at pananampalataya ng buong bansa,” pahayag ni Fr. Marquez sa Radio Veritas.

Magugunitang huling ginanap ang prusisyon ng Mahal na Ina sa paligid ng Intramuros noong 1941 bago sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig na sumira sa lugar.

Makaraan ang mahigit anim na dekada muli itong iniluklok sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral kung saan pinangunahan ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle ang reenactment sa pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhen na ginanap noong 1907.

Sa pamimintuho ng mga Filipino sa Mahal na Ina, pinaniniwalaan na sa tulong ng Mahal na Birhen tungo sa kanyang anak na si Hesus ay napagwagian ng Pilipinas ang iba’t-ibang pagsubok.

“Sa kasaysayan ang Mahal na Ina ng Santo Rosaryo ng La Naval ay gumawa ng himala upang maligtas ang Pilipinas kaya inaasahan natin na sa maraming hamon at hirap na hinaharap ng ating bayan, humingi tayo ng tulong sa ating Mahal na Ina tungo sa kanyang Anak upang maligtas tayo at mapagwagian natin ang anumang hirap,” saad ng Pari.

Umaasa si Fr. Marquez na ang pagdiriwang din ay maging daan upang dumaloy sa gawa ng tao at tunay na makapaghahatid ng pagbabago at magpapabuti sa buhay ng bawat mananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 38,842 total reads

 38,842 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 119,004 total reads

 119,004 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 152,452 total reads

 152,452 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 187,751 total reads

 187,751 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 412,802 total reads

 412,802 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top