Enchanced Community Quarantine, bigo kapag nagugutom ang mamamayan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,496 total reads

March 19, 2020, 12:28PM

Bigyang katiyakan na hindi magugutom ang sambayanang Filipino.

Ito ang panawagan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa upang epektibong maipatupad ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Naniniwala ang Obispo na pangunahing dahilan ng mga taong hindi sumusunod sa panuntunan ng pamahalaan ay dulot ng pag-aalala na walang makakain ang pamilya kung hindi makakapasok sa trabaho.

“Magagawa ang lockdown kung may kasiguraduhan ang mga tao na may makakain, dapat mauna yun. Kung panatag ang loob nila na mayroon silang makakain. Pero kung sigurado ‘yun mapapatupad natin ang lockdown, maipapatupad natin yung enhanced community quarantine,”bahagi ng homiliya ni Bishop Gaa sa online healing mass ng Radio Veritas.

Tiniyak naman ng Obispo na sa kabila ng mga kakulangan at takot ay ibaling sa Panginoon ang suliranin at hingin sa Diyos ang kapanatagan lalu’t Siya ang nanatiling tapat sa pangako ng kaligtasan.

“Sa ngayon parang tinanggal lahat ng pwedeng pagkunan ng kapanatagan, tinanggal ang lahat pwera lang ang Diyos ang nanatiling tapat sa atin. Ang diyos ang pwede nating paghugutan ng lakas. Dahil Siya ay nananatili ding tapat sa atin,” ayon pa kay Bishop Gaa.

Una na ring nanawagan ang mga Metropolitan Bishops of Manila para sa pagtutulungan ngayong panahon na maraming nangangailangan dahil sa umiiral na lockdown at paghinto ng trabaho ng maraming manggagawa sa Luzon.

Read: Pastoral Letter: A Call of Charity for the Common Good

Ang Caritas Philippines at Caritas Manila ay naghahanda na ng mga mga programa ng simbahan upang makibahagi sa pagtulong sa higit na nangangailangan.

Read: Ligtas Covid Kit, ipapamahagi ng Caritas Manila sa mahihirap na pamilya

Sa Diocese ng Antipolo, iminungkahi na rin ang paggamit ng Alay Kapwa fund para tugunan ang ilang pangangailangan ng mga residente napilitang manatili sa bahay.

Read: Diocese of Antipolo ipinag-utos sa mga pari na tulungan ang mga nangangailangan

Sa mensahe ng Pangulong Rodrigo Duterte, iminungkahi nito ang maagang pagbibigay ng 13th month pay sa mga manggagawa at iba pang tulong pinansyal para sa mga kawaning apektado ng ‘lockdown’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 15,749 total reads

 15,749 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 52,851 total reads

 52,851 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 279,121 total reads

 279,121 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 172,588 total reads

 172,588 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 265,828 total reads

 265,828 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 4,665 total reads

 4,665 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top