Huwag matigas ang ulo, pakiusap ng PNP sa mamamayan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 702 total reads

March 25, 2020, 2:04PM

Patuloy ang panawagan ng Philippine National Police (PNP) sa mamamayan na makiisa sa ipinapatupad na pag-iingat ng pamahalaan upang masugpo ang pagkalat ng pandemic Corona Virus disease.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Lt. General Guillermo Eleazar, deputy Director for Operations ng PNP, ito ay upang magkaroon ng kabuluhan ang lahat ng sakripisyo ng bawat isa tulad ng pagtitiis na hindi lumabas ng bahay.

“Kanya-kanya itong responsibilidad. Dapat hindi na paalalahanan or else we defeat the purpose of the quarantine,” ayon pa kay Eleazar.

Ayon sa opisyal, masasayang lamang ang ipinatutupad na paghihigpit kung hindi susunod ang sa panuntunan tulad ng social distancing, paglusot sa mga curfew, at mga checkpoints ng pulisya.

“Tayong lahat ay dumaraan sa mahirap na sakripisyo.Ang sakripisyo sana natin ay huwag masayang. Magtulungan po tayo, dahil ang sinasabi ko napakasayang. We need your cooperation to succeed na mapigil ang pagkalat ng virus,” ayon pa kay Eleazar.

Nilinaw ni Eleazar na sa umiiral na Luzonwide Quarantine ay 24-oras dapat nasa loob ng bahay ang mga tao maliban na lamang sa ilang mga exempted na lumabas.

Nagpapasalamat naman si Eleazar na malaki na ang nagbago sa pagsunod ng publiko sa mga panuntunan sa ika-8 araw nang pagpapatupad ng enhanced community quarantine.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 116,854 total reads

 116,854 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 254,474 total reads

 254,474 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 370,250 total reads

 370,250 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 486,009 total reads

 486,009 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top