‘New normal’ dulot ng COVID-19 pandemic, hindi hadlang sa paglago ng pananampalatayang Kristiyano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 573 total views

April 29, 2020-1:08pm

Hindi maaring maging hadlang sa pagpapalago ng pananampalatayang Kristiyano ang pag-iral ng new normal na dulot ng pandemic novel coronavirus.

Ito ang binigyan diin ni Fr. Norman Peña, SVD ng Loyola school of Theology sa halip ay magkakaroon lamang ng mga pagbabago upang maiakma ang kilos at gawi sa bagong iiral mula sa nakasanayan.

“But faith itself will not change, yung Catholicism itself will never change. Hindi yun ang magbabago. Ang nagbabago dito ngayon yung pino-propose ng new normal kung paano natin ipinahahayag, isinasabuhay ang pananampalataya,” ayon kay Fr. Peña.

Paliwanag ng pari ang mga pagbabagong ito ay sa pamamagitan ng pag-aakma ng mga gawain para sa pagpapatuloy at pagsasabuhay ng pananampalataya.

Isa na sa halimbawa ayon sa pari ay ang mga ritwal na tradisyong isinasagawa.

Dulot ng pandemic coronavirus, kabilang sa mga ipinatupad ng pamahalaan ang pagbabawal sa pampublikong misa at physical distancing na layong pabagalin ang pagkalat ng virus sa mga tao.

Naging tugon naman ng simbahan ang unang pagpapairal nang pagtanggap ng komunyon sa pamamagitan ng kamay, hindi paghahawak-hawak kamay sa panalangin ng Ama Namin at kalaunan ay ang pagsasagawa ng mga misa kahit walang kongregasyon sa pamamagitan naman ng social media, radyo at telebisyon.

“Old ways cannot be applied anymore. Pero it doesn’t mean na hindi na tayo mag-express ng faith,” ayon pa sa pari.

Sa nakalipas na Kwaresma at Mahal na Araw, bagama’t ginunita ng simbahan ang mga pagdiriwang isinantabi naman ang ilang tradisyon at kultura sa halip ay payak na pagdiriwang ang ginanap nang hindi kinakailangan ang pagdalo ng mananampalataya.

“The greatest act of our faith ‘yung going to church, but it doesn’t mean it stops there. To be effective what we have done sa simbahan dapat isabuhay natin,” paliwanag pa ng pari.

Sa higit isang buwang pag-iral ng community quarantine ay naging abala ang mga lingkod ng simbahan sa mga pagkakawanggawa sa mga mahihirap at pagkupkop sa mga walang tahanan.

Simula sa buwan ng Mayo, ilang mga lalawigan sa Pilipinas ang sasailalim na sa General Community Quarantine – o mas maluwag na panuntunan kung saan ilang mga establisimyento na ang makakapagbukas ng negosyo.

Habang mananatili naman hanggang sa ika-15 ng Mayo ang pag-iral ng Enhanced Community Quarantine sa mga lugar na may matataas na kaso ng Covid-19 kabilang na ang National Capital Region, Central Luzon at Calabarzon.

Sa Borongan City, Eastern Samar na nasa ilalim ng GCQ dahil sa walang naitalang kaso ng impeksyon ay nagsimula nang magbukas ang mga simbahan bagama’t patuloy pa ring iiral ang physical distancing, pagsusuot ng face mask at ilang pang mga pag-iingat sa pagkalat ng virus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 18,867 total views

 18,867 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 46,872 total views

 46,872 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 64,672 total views

 64,672 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 63,886 total views

 63,886 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 174,964 total views

 174,964 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top