Metro Mayors, makikiisa sa Arkidiyosesis ng Maynila sa pagtatalaga sa kalinga ng Mahal na Birhen

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 636 total reads

April 28, 2020-6:54pm
updated April 30, 2020-7:36am

Makikiisa ang limang alkalde ng Metro Manila sa Arkidiyosesis ng Maynila para sa pagtatalaga sa ilalim ng kalinga at pangangalaga ng Mahal Ina para sa kaligtasan ng mamamayan mula sa novel coronavirus.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, isang mahalagang pagkakataon ang pagkakaisa ng simbahan at mga pinuno ng pamahalaan para manalangin ng sama-sama at hilingin ang kaligtasan ng mamamayan mula sa nakakahawang sakit.

“In this time of crisis we need to help one another and to be assured of help from above,” bahagi ng liham ni Bishop Pabillo.

Ang misa ng pagtatalaga ay gaganapin alas-12 ng tanghali sa ika-13 ng Mayo, kasabay na rin ng pagdiriwang ng ika-103 anibersaryo ng Aparisyon ng Our Lady of
Fatima.

Dadalo din sa pagdiriwang ang mga alkalde ng mga lungsod na nasasakop ng arkidiyosesis kabilang na sina Mayors Francisco Domagoso ng Maynila; Carmelita Abalos ng Mandaluyong; Imelda Calixto-Rubiano ng Pasay; Abigail Binay ng Makati at Francisco Zamora ng San Juan.

Ayon kay Bishop Pabillo, dulot ng pandemya ay mahalagang magkaisa ang bawat isa sa pananalangin at hingin ang tulong ng Mahal na Ina upang bigyang proteksyon ang mamamayan laban sa nakakahawang sakit na Covid-19.

“It is good that we come together as religious and civil leaders to lead our people to make an Act of Consecrations,” bahagi ng liham ni Bishop Pabillo na ipinadala sa Metro Mayors.

Matapos ang misa, bawat alkalde ay hinihikayat na maghahandog ng bulaklak sa Mahal na Ina bilang pagpapakita ng pagpapaubaya sa kapangyarihan at kalinga ng Mahal na Birhen.

Sa aparisyon sa Fatima, Portugal tiniyak ng Mahal na Birhen sa mga batang pastol na sina Lucia, Francisco at Jacinta ang kaligtasan at tulong para sa mga taong magbabalik loob at mananalangin sa Panginoon.

Sa higit walong-libong kaso ng Covid-19 sa Pilipinas kabilang ang Metro Manila sa may mataas na naitalang bilang ng nagtataglay ng virus na siyang dahilan nang pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine ng hanggang sa ika-15 ng Mayo.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 19,369 total reads

 19,369 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 39,957 total reads

 39,957 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 110,801 total reads

 110,801 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 196,169 total reads

 196,169 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 242,905 total reads

 242,905 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 290,777 total reads

 290,777 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 388,992 total reads

 388,992 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 19,370 total reads

 19,370 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »
Scroll to Top