Diocese of Balanga, nangangamba sa ikalawang bugso ng COVID-19 sa Bataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 428 total views

May 16, 2020, 11:53AM

Nagpahayag ng suporta ang Diocese of Balanga sa rekomendasyon ng Provincial Government of Bataan (PGB) sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na mapabilang pa rin ang lalawigan sa ipatutupad na Modified Enhanced Community Quarantine bilang patuloy na pag-iingat mula sa Coronavirus Disease 2019.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, kaisa ng pamahalaang panlalawigan ang buong diyosesis sa paghahangad na matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntuning pangkalusugan sa lalawigan.

Ibinahagi ng Obispo ang pangamba ng mamamayan sa posibilidad ng ikalawang bugso o second wave ng nakahahawa at nakamamatay na sakit na maaring maging bunga ng pagbaba ng General Community Quarantine sa lalawigan.

“With the position of the government, the Church supported and stood by them kasi nakita din natin ang pangangailangan na mag-test pa ng husto, mag-pray at saka i-treat kasi we are worried na baka magkaroon pa ng second wave at lahat ng dumating uli rito at umikot ay magiging suspect at magiging source ng spread ng virus” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Bishop Santos na kinakailangan pang makapagsagawa ng mga pagsusuri o tests at magamot ang mga pasyente na nagpositibo sa COVID-19 sa Bataan bago pahintulutan ang pagpapapasok at paglabas sa lalawigan.

“kung hindi pa namin mati-test yung iba we are making everybody in danger and suspected to the virus kaya sinuportahan ng Simbahan…”Dagdag pa ni Bishop Santos.

Naunang nagpahayag ng pasasalamat ang pamahalaang panlalawigan ng Bataan para sa suporta at pakikipagtulungan ng Diyosesis ng Balanga sa mga hakbang upang matugunan ang krisis na dulot ng pandemic na COVID-19.

Muli namang tiniyak ng Obispo ang patuloy na pagbubukas ng mga pasilidad ng buong diyosesis kabilang na ang mga college seminaries, diocesan schools at maging retirement homes ng mga pari upang magsilbing kanlungan ng mga frontliners at maging ng mga Persons Under Monitoring (PUM) at Persons Under Investigations (PUI) sa lalawigan.

Kaugnay nito, mula ika-15 hanggang ika-31 ng Mayo ay pinapayagan na ang mga religious activities sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ at GCQ.

Read: https://www.veritas846.ph/religious-gatherings-pinapayagan-na-sa-mga-lugar-na-nasa-ilalim-ng-mecq-at-gcq/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 30,585 total views

 30,585 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 54,901 total views

 54,901 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 90,691 total views

 90,691 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 131,949 total views

 131,949 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 183,195 total views

 183,195 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top