‘No vaccine-No opening of classes policy’, kinontra ng CEAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 690 total reads

May 26, 2020-10:36am

Hindi inaasahan ng Catholic Educational Association in the Philippines (CEAP) ang naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na ‘no vaccine, no opening of classes’.

Ayon kay CEAP-NCR Trustee Fr. Nolan Que nakapaghanda na ang mga pribadong paaralan para sa pagbubukas ng klase base na rin sa kasunduan sa pagitan ng Inter-Agency Task Force at Department of Education.

“Ang opening of classes sa aking pagkakaintindi, hindi nangangahulugan na ang mga bata ay pupunta sa paaralan. Basically that has been my advocacy. Kapag hindi pa handa na papuntahin sa mga paaralan ‘wag papuntahin. But there are different modes of delivery,” paliwanag ni Fr. Que.

Paliwanag pa ng pari, hindi rin siya sang-ayon na walang gagawin ang mga mag-aaral sa loob ng isang taon dulot na rin ng pangamba sa nakakahawang sakit.

Nangangamba rin si Fr. Que na posibleng mawalan ng trabaho ang mga kawani ng mga catholic schools sa oras na hindi ituloy ang pasukan ngayong taon.

“Pangalawa ang iniisip ko ‘yung mga private schools may mga empleyado kami for example kami ang empleyado ko ang 600 paano ko sila tutulungan for one year,” ayon kay Fr. Que.

Umaasa si Fr. Que na muling magkakaroon ng pulong sa pagitan ng mga private schools, IATF at Department of Education upang linawin ang naging pahayag ng Pangulo.

Sa kasalukuyan ayon sa pari ay may 60 porsiyento na ang online registration ng CEAP para sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo.

Ang CEAP ay may kabuuang 1,484 member-schools sa buong bansa.

Sa panig naman ng mga pampublikong guro,  pabor silang maantala ang pagbubukas ng klase subalit hindi ang tuluyang pagpapaliban ng school year.

Ayon kay Benjo Basas ng Teachers Dignity Coalition, bagama’t ang pagbubukas ng school year ay hindi naman face-to-face kungdi iba’t ibang paraan ng pagtuturo ay mas mahalagang makapaghanda ng husto ang mga guro gayundin ang mga magulang sa bagong paraan ng pagbubukas ng klase.

“Yung pag-delay mas wise yan. Kaysa isugal natin ang kaligtasan ng mga bata,” ayon kay Basas.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 21,211 total reads

 21,211 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 41,764 total reads

 41,764 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 113,795 total reads

 113,795 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 199,164 total reads

 199,164 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 245,899 total reads

 245,899 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 293,771 total reads

 293,771 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 391,824 total reads

 391,824 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 21,212 total reads

 21,212 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »
Scroll to Top